Ang Pagpapakahulugan sa Islām

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 170

Idagdag sa mga paborito : 0

 {Kaya kung nangatwiran sila sa iyo ay sabihin mo: "Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin."}(Qur'ān 3:20)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng pagdarasal, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mong [magkaroon] patungo roon ng isang *landas.}
Kaugnay rito, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) batay sa ḥadīth na marfū`: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya."
Ayon kay Bahz bin Ḥakīm, ayon sa ama nito, ayon sa lolo nito: Na iyon ay nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: {"[Ang Islām ay] na magpasakop ka ng puso mo kay Allāh, na magbaling ka ng mukha mo tungo kay Allāh, na magdasal ka ng iniatas na dasal, at magbigay ka ng isinatungkuling zakāh."}Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Ayon kay Abū Qilābah, ayon kay `Amr bin `Abasah, ayon sa isang lalaking kabilang sa mga mamamayan ng Shām, ayon sa ama nito: {Iyon ay nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung ano ang Islām. Nagsabi siya: "Na magpasakop ka ng puso mo kay Allāh at maligtas ang mga Muslim mula sa dila mo at kamay mo." Nagsabi pa iyon: "Alin pong Islām ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Ang pananampalataya." Nagsabi iyon: "At ano po ang pananampalataya?" Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, at pagbubuhay matapos ng kamatayan."}

Mga Serbisyo ng AI