Ang Nasaad Kaugnay sa Paglabas sa Panawagan ng Islām

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 185

Idagdag sa mga paborito : 0

 {Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [ Qur’ān na] ito...}(Qur'ān 22:78)
Ayon kay Al-Ḥārith Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Nag-uutos ako sa inyo ng lima, na si Allāh ay nag-utos sa akin ng mga ito: ang pagdinig, ang pagtalima, ang pakikibaka, ang paglikas, at ang bukluran sapagkat tunay na ang sinumang nakipaghiwalay sa bukluran nang kasukat ng isang dangkal ay naghubad nga ng bigkis ng Islām mula sa leeg niya maliban na bumalik siya. Ang sinumang nanawagan ng panawagan ng Kamangmangan, tunay na siya ay kabilang sa bunton ng Impiyerno." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, kahit pa po nagdasal siya at nag-ayuno siya?" Nagsabi siya: "Kahit pa nagdasal siya at nag-ayuno siya. Kaya dumalangin kayo kay Allāh na nagpangalan sa inyo na mga Muslim at mga mananampalataya na mga lingkod ni Allāh."}Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad (6/256) at Imām At-Tirmid̆īy at nagsabing maganda na tumpak ito.
Nasaad sa Ṣaḥīḥ: {"ang sinumang nakipaghiwalay sa bukluran nang isang dangkal, ang pagkamatay niya ay kamangmangan"}at kaugnay rito: {"Kayo ay nanawagan] ba ng panawagan ng Kamangmangan samantalang ako ay nasa pagitan ng mga likod ninyo?"} {Nagsabi si Abul`abbās: "Ang bawat lumalabas palayo sa panawagan ng Islām at Qur'ān gaya ng [panawagan ng] isang kaangkanan o isang bayan o isang lahi o isang ideyolohiya o isang pamamaraan, ito ay kabilang sa pag-alo ng Kamangmangan; bagkus noong may nagkahidwaan na isang Tagalikas at isang Tagaadya, nagsabi ang Tagalikas: "O talagang ang mga Tagalikas!" at nagsabi ang Tagaadya: "O talagang ang mga Tagaadya!" Nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "[Kayo ay nanawagan] ba ng panawagan ng Kamangmangan samantalang ako ay nasa pagitan ng mga likod ninyo?"} Nagalit siya dahil doon nang matinding pagkagalit. Nagwakas ang pananalita niya.