Ang Pagkakailangan ng Pagpasok sa Islām sa Kabuuan Nito at ang Pag-iwan ng Iba Rito

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 164

Idagdag sa mga paborito : 0

 {Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa?}(Qur'ān 4:60) 
Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya):
}يَوْمَ تَبْيَضُّ وُجُوهٌۭ وَتَسْوَدُّ وُجُوهٌۭ ۚ فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ٱسْوَدَّتْ وُجُوهُهُمْ أَكَفَرْتُم بَعْدَ إِيمَـٰنِكُمْ فَذُوقُوا۟ ٱلْعَذَابَ بِمَا كُنتُمْ تَكْفُرُونَ{ ال عمران  ١٠٦
 {Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha.}(Qur'ān 3:106) 
Nagsabi si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya): "Mamumuti ang mga mukha ng mga alagad ng sunnah at pagkakasundo at mangingitim ang mga mukha ng mga alagad ng mga bid`ah at pagkakaiba-iba."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang pupunta nga sa kalipunan ko ang pumunta sa mga anak ni Israel nang kahugis ng sandalyas sa sandalyas hanggang sa kung naging mayroon sa kanila na makikipagtalik sa ina niya nang hayagan, magiging mayroon sa Kalipunan ko na gagawa niyon. Tunay na ang mga anak ni Israel ay nagkahati-hati sa pitumpu't dalawang kapaniwalaan."}Ang kalubusan ng ḥadīth ay ang sabi niya: {"Magkakahati-hati naman ang Kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkat, na lahat sila ay sa Apoy maliban sa nag-iisang kapaniwalaan." Nagsabi sila: "Ano po iyon, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang anumang ako ay nakabatay roon at ang mga Kasamahan ko."}
Kay gandang pangaral na sumang-ayon mula sa mga puso ang isang buhay! Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy at nagsalaysay rin nito siya mula sa ḥadīth ni Mu`āwiyah sa ganang kina Imām Aḥmad at Imām Abū Dāwud. Kaugnay rito: "Tunay na may lalabas sa Kalipunan ko na mga taong magdadaluyan sa kanila ang mga pithayang iyon kung paanong nagdadaluyan ang kamandag ng aso sa nagtataglay nito kaya walang natitira mula roon na isang ugat ni isang kasukasuan malibang nakapasok ito roon." Nauna na ang sabi niya: "isang naghahangad sa Islām ng kalakaran ng Kamangmangan"