Mga Panalangin ng Propeta sa Paglalakbay

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 225

Idagdag sa mga paborito : 0

Mainam na manalangin sa Paglalakbay ay sa oras ng kanilang pag-alis at pagbalik, kapag sumakay siya sa kanyang hayop, at hindi sa oras ng paglabas sa lugar. At ang Panalangin sa Paglalakbay ay ang pagbanggit ng Allahu Akbar ng tatlong beses, at saka banggitin: "Allahumma Inni A'udhu bika min Wa'tha'is safar wa Ka'abatil Mandar wa su'il munqalab fil Ma'li wal Ah'l" At kapag siya ay nakabalik sa kanyang lugar, ito ang kanyang babanggitin bilang karagdagan: "Ayyibuna Ta'ibuna A'biduna lirabbina Hamidun". Sa ibang Hadith: "Wal Khalifatu fil Ah'li wal Mal". Sa ibang Hadith: "Wal Huru Ba'dul Kuri wa Dawatil Mad'lum". Sa ibang Hadith: "Wa Su'il Mandar fil Ah'li wal Mali wal Walad." Sa ibang Hadith: (Kapag pumasok siya sa kanyang pamilya, - ibig sabihin ay nakabalik - ay magsabi: "Pagbabalik-loob, Pagbabalik-loob sa aming Panginoon, na Siya ang patutunguhan na walang iiwanan sa mga nagbabalik-loob mula sa kasalanan.) Ang الحوب ay Kasalanan na hindi iiwanan maliban na ito'y papatawarin. Sa ibang Hadith: (Kapag lumakbay at sumakay sa kanyang hayop, at nagsabi habang ang kanyang daliri ay nakaganito, at ginaya rin ni Shu'ba ang kanyang daliri, at binanggit ang panalangin sa Paglalakbay.)
Muqrinin: hindi kaya, Wa'tha'i : Kagipitan, Munqalab: Pagbabalik, Ka'a'bah: Pagbabago ng sarili mula sa kalungkutan at iba pa, Su'ul Munqalab: Ibig sabihin ay makikita niya ang kanyang pamilya at kayamanan na ikakasama niya.
Kung nakaligtaan ang panalangin sa pagsakay at paglalakbay sa una, puwedeng banggitin ito sa kagitnaan katulad rin ng pagbanggit ng Bismillah sa Wudu at pagkain.
Karagdagan sa Pagbabalik nila, at pagkatapos nito ay kanilang sasabihin, kung malapit na sila sa kanilang bayan ayon sa Hadith: (Sa oras nakita namin ang Madinah, sinabi ng Propeta (s.a.w): "Ayyibuna Ta'ibuna Abiduna li Rabbina Hamidun, sinasabi niya ito hanggang makapasok siya sa Madinah).
Kapag lumakbay ang tao, at lumipat sa ibang lugar, kaya sapat na sa kanyang paglalakbay ang unang panalangin, at huwag na niya itong ulitin sa Paglalakbay.
Lugar ng Pagmuni-muni: Ang Panalangin sa Paglalakbay ay merong mga magagandang kahulungan na umuugnay sa bawat isa't isa, at ito ay naglalaman ng liwanag ng Propeta, at galaw ng pananampalataya, at matinding pag-alaala.
Mainam na paramihin ang Dua, at paghingi ng kapatawaran sa paglalakbay, dahil katanggap-tanggap rito ang panalangin, sa kadahilanan siya'y nasa kahinaan,  pagkumbaba at hirap sa paglalakbay.
Mainam kapag nanatili sa isang lugar ay magsabi: "Nagpakupkop ako sa pamamagitan ng mga perpektong salita ng Allah laban sa kasamaan ng anumang nilikha." at sinumang nagsabi nito ay hindi mapapahamak ng anumang bagay hanggang maka-uwi siya sa kanyang bahay. 
Mainam sa manlalakbay kapag umakyat sa matataas na lugar na magbanggit ng Allahu Akbar, at kapag bumaba ay magbanggit ng Subhanallah.
Mainam sa manlalakbay kapag pumasok sa isang lugar na magsabi: "O Allah, ang Panginoon ng pitong mga kalangitan at anumang nililiman nito, at pitong mga kalupaan at anumang nilalaman nito, at Panginoon ng mga Satanas at anumang kanilang iniligaw, at Panginoon ng mga Hangin, at dinadala nito, Humihiling ako sa Iyo ng kagandahan sa baryong ito, at sa mga pamamayanan rito, at kagandahan dulot nito, at Nagpapakupkop kami sa Iyo laban sa kasamaan rito, at kasamaan dulot nito."
Hindi mainam na maglakbay ang tao na nag-iisa kapag walang mahanap na kasama kung hindi naman kinakailangan, dahil sa pagbabawal rito, baka merong mga mababangis na hayop, at pirata at wala siyang katulong pagkatapos ni Allah sa oras ng kaguluhan.
Mainam na humanap ang manlalakbay ng mabuting kasama na may takot sa Allah, at gustong gumawa ng kabutihan at nagkakamuhi sa kasamaan, inaalagaan ang kanyang kasama, at nakikisama sa kanya, at hindi sumasalungat, at matiisin, at maunawain sa anumang pangyayari, at nagpapaumanhin sa bawat isa, at nakikitaan siya ng kanyang kasama ng kabutihan at respeto.
Kapag sumabay ka sa mga grupo sa mga Paglalakbay…
Ikaw ay dapat maging katulad na malapit na kamag-anak para sa kanila.
Paalala at Ingatan:
Katotohanan ang nagmumuni-muni sa pagbabawal ng Mensahero (s.a.w) sa paglalakbay ng tao na nag-iisa ay makakaisip ng maraming karunungan, at mga matinding lihim mula rito. Tunay marami na tayong narinig at nasaksihan sa sinumang naglalakbay na nag-iisa, at anumang hinaharap nila mula sa panganib, at pagpatay, at pananakit, at pagpunta sa kahalayan, at kasiraan, at hanggang sa paglihis, Kahit siya pa ay taong nag-iisip ngunit makita mo ang sarili na humihina kapag nag-iisa.