Mga Batas ng Adhan

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 249

Idagdag sa mga paborito : 0

Ang Adhan at Iqama sa grupo ng mga Manlalakbay at nag-iisa ay Sunnah, ito ay ayon sa opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung isinagawa ang Pagdarasal na walang Adhan at Iqama o kaya Iqama lamang ay tama pa rin, ito ay ayon sa opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung pumasok ang mga Manlalakbay sa masjid ngunit tapos na ang Adhan sa oras, sapat na isagawa ang Iqama upang hindi malito ang mga tao.
Adhan para sa Manlalakbay na siya ay nakasakay sa sasakyan o eroplano at iba pa ay pinapayagan.
Ang Adhan sa loob ng eroplano na nakaupo, kung meron siyang dahilan ay puwede at kung wala ay puwede rin pero di kaaya-aya. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Pagharap sa Qiblah sa Adhan ay mainam ayon sa karamihan at tama rin ang Adhan kung hindi sa Qiblah subalit hindi kaaya-aya.