Mga Batas sa pagsasama ng mga Salah

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 3

Idagdag sa mga paborito : 0

 Ang paghangad para pagsamahin ang mga Salah sa huling oras ay kondisyon, kaya humangad siya na ipahuli ang Salah sa unang oras, at ito ang mas mainam.
Ang Hangarin na pagsamahin ang Salah sa unang oras ay hindi kondisyon, kung natapos na ang unang Salah at pagkatapos gusto niyang pagsamahin ang mga ito ay puwede dahil sa kawalan ng ebidensya sa pagiging kondisyon nito. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung pumasok ang Manlalakbay sa oras ng Salah, habang siya ay nasa kanyang lugar. Tunay naging hindi puwede sa kanya ang pagpapaiksi, at gayundin ang pagsamahin ang mga Salah, maliban kung natatakot siya sa paglabas ng oras sa pangalawang Salah, at kung hindi niya kayang magsalah sa anumang sitwasyon ay puwede niyang pagsamahin ang mga Salah pero hindi puwedeng paiksiin.
Ang pagsama ng mga Salah ng isang Manlalakbay sa oras ng kanyang paglabas sa kanyang lugar, pagkatapos ng oras ng Salah ay pinapahintulot, kung ang Salah ay puwedeng pagsamahin.
Oras ng pagsamahin ang pagitan ng dalawang Salah mula sa pagpasok ng unang oras hanggang sa huling oras ng pangalawang Salah, kaya hindi puwede ipahuli ang Dhuhr at Asr hanggang matapos ang dilaw sa langit pagkatapos ng Asr, o kaya ang Maghrib at Isha sa kagitnaan ng gabi.
Ang pagsamahin ang Salah ay dapat sa Dhuhr kasama ang Asr, at sa Maghrib kasama ang Isha, para pagsamahin ang mga ito sa unang Oras o sa huli, Kung anumang kanyang nagawa ay puwede. Ang Fajr ay hindi sinasama sa ibang Salah, at hindi rin maaring ipagsama ang Asr kasama ang Maghrib, at Isha kasama ang Fajr.
Kung hangarin niya na ipagsama ang Salah sa huling oras, at saka dumating siya sa kanyang lugar na hindi pa pumapasok ang oras ng pangalawang Salah; hindi maaring ipagsama ang pangalawa kasama ang una, bagkus ipagdasal niya ang bawat Salah sa takdang oras na kumpleto kahit meron pang natirang kaunting oras.
Kung naghangad na pinagsama ang mga Salah na ipahuli at saka dumating sa lugar na kanyang nilalakbayan at meron pang natitirang oras at pumasok ang pangalawang oras ng Salah, merong mga kalagayan:
Una: Kung siya ay hindi nasa Masjid, ang mainam ay humintay siya hanggang dumating ang oras ng pangalawa, at saka ipagsalah ang dalawa na magkasabay at maiksi, at kung siya ay nagdasal ay pinapahintulot.
Pangalawa: Kung pumasok siya sa Masjid pagkatapos ng Adhan ng Pangalawang Salah, at bago ang Iqamah ay kailangan niyang idasal ang una na paiksi at saka magdasal ng pangalawa kasama ang grupo.
Pangatlo: Kung pumasok siya sa Masjid at ang mga tao ay nagdarasal ng pangalawa, pumasok siya kasama nila na naghahangad ng una katulad sa sitwasyon sa pagiging Imam ng Manlalakbay sa mga nananatili.
Kung naghangad na pagsamahin ang Salah na ipahuli at saka dumating siya sa kanyang lugar, at pumasok na ang oras ng pangalawa, dapat niyang ipagdasal ang unang Salah at ang pangalawa na kumpleto dahil natapos na ang kanyang  paglalakbay.
Kung siya ay manlalakbay sa kanyang lugar at kaya niyang abutan ang Salah kasama sa grupo, o ang oras ng Salah, o kaya makarating siya sa lugar bago ang pangalawang Salah, puwede niyang paiksiin ang Salah, at ipagsabay bago pumasok sa lugar sapagkat siya ay nasa paglalakbay.
Ang pagsabay ng mga Salah sa manlalakbay sa daan mula sa lugar tungo sa ibang lugar ay pinapahintulutan.
Ang pagsabay ng manlalakbay na hindi umaalis sa kanyang lugar ay merong salungatan: Sabi: Puwede niyang pagsabayin ang Salah, ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Sabi: Hindi pinapahintulot maliban kung merong dahilan. Ang pinakamalapit ay ang iwanan na pagsabayin ang mga Salah dahil nawala na ang hirap sa paglalakbay. Ang pagsasabay ng mga Salah sa Batas ng Islam dahil kinakailangan, at hindi ang kanyang paglalakbay maliban kung kinakailangan para mawala ang hirap.
Ang Pagkakasunod-sunod sa pagitan ng mga Salah upang bayaran ang mga nakaligtaan, at saka pagsabayin ay kinakailangan, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Ang pagkawala ng pagkakasunod-sunod sa pagitan ng mga Salah sa pagsasabay sa pamamagitan ng pagkalimot at kamangmangan at natatakot sa paglabas ng oras ng Salah.
Kapag nakaalala niya ang nakaligtaang Salah, o ang unang Salah habang siya ay nagdasal ng kasalukuyan, o patapos na siya sa kanyang Salah, Kailangan kumpletuhin niya muna ang Salah at saka magbayad.
Hindi matatanggal ang pagkakasunod-sunod kung natatakot siya na hindi makasama sa grupo sapagkat mas obligasyon ang Salah kaysa grupo, at kadalasan ang grupo sa Salah ay meron pa kung matapos ang nauna.
Ang pagkakasunod sa pinagsabay na Salah na pinauna at pinahuli sa pagitan ng dalawang Salah at hindi kondisyon. At ang Sunnah at hindi patagalin ang oras ng sobrang tagal para labas sa salungatan ng mga Dalubhasa.
Ang pamantayan sa oras ng Salah ay ang nasanayan ng mga tao, at tradisyon.
Kung pinagsabay ng isang manlalakbay ang Maghrib kasama ang Isha sa unang oras, ay puwede sa kanya magdasal ng Witr pagkatapos ng Isha, at hindi maghintay hanggang pumasok ang oras ng Isha. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
 Kung pinagsabay ang Salah ng As'r kasama ang Dhuhr sa unang oras, hindi siya dapat magsalah ng Sunnah pagkatapos ng Asr sapagkat ipinagbabawal ang Salah pagkatapos ng As'r.
Kung ipinagsabay ng tao ang dalawang Salah, ang mainam ay banggitin niya ang mga Dhikr ng Unang Salah at saka ang Pangalawa, at kung hindi niya nabanggit ang mga Dhikr ng huling Salah ay walang problema.
Ang Pagsagawa ng Salah sa Eroplano ay dalawang uri:
Una: Mga Sunnah na Salah o Nawafil: Idasal ito ng manlalakbay sa kahit anong sitwasyon nakatayo man o nakaupo na nakayuko siya kung sa Ruku at mas malalim sa Sujud. Mainam kung humarap sa Qiblah sa oras ng Takberatul Ihram.
Pangalawa: Mga Obligasyon na Salah o Far'd: ay merong mga sitwasyon:
Kung kaya niyang magdasal bago sumakay o pagkatapos ng biyahe sa oras ng Salah ay kanyang idasal sa unang oras o kaya sa huli.
Kung sumakay ng Eroplano bago pumasok ang oras at sa kanyang palagay ang eroplano ay hindi makarating maliban pagkatapos ng unang oras ng Salah. Humangad siya na ipagsabay ang mga Salah sa huling oras kung puwedeng ipagsabay.
Kung sumakay sa Eroplano bago pumasok ang oras at malaki ang kanyang akala na lalabas na ang oras ng dalawang Salah na puwedeng ipagsabay, o ang Salah na hindi puwede ipagsabay kasama ng iba tulad ng Fajr, kaya kailangan niyang isagawa ang Salah sa Mosque sa Eroplano kung meron na humaharap sa Qiblah kung kaya, at kung hindi kaya ay magdasal sa mga daanan, at kung hindi kaya ay magdasal na nakatayo at yumuko at sa Sujud ay naka-upo sa upuan, at bawal ipahuli ang Salah hanggang lumabas ang oras ng Salah at kung hindi kayang magdasal na nakatayo ay magdasal na naka-upo.
Kailangan ng taong nagdarasal na humarap sa Qiblah  sa Takberatul Ihram at saka humarap sa kanyang upuan maliban kung hindi niya kaya, ito ay hindi kailangan para sa kanya.
Kung nag-iba ang direksyon ng Qiblah dahil sa pag-iba ng direksyon ng Eroplano, kailangan sa taong nagdarasal kung kaya niya na umikot sa direksyon ng Qiblah, at kung hindi ay magdasal sa upuan at mawawala ang isang kondisyon sa pagharap ng Qiblah.

Pang-apat: Kung siya ay nasa loob ng Eroplano ay merong Mosque at puwedeng magdasal sa harap ng Qiblah na nakatayo at nakayuko at nakapatirapa, ay magdasal siya rito kahit mahaba ang oras ng Salah. 
Ang Salah na Sunnah sa Manlalakbay na dumating sa loob ng kanyang lugar sa sasakyan ay pinapahintulot kung siya ay humaharap sa Qiblah dahil ito ay obligasyon. Ito ay pinagkasunduan ng mga Dalubhasa, Kung siya ay hindi nakaharap sa Qiblah ay hindi puwede, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, ito ang pinakamalapit dahil sa ginawa ng Propeta (s.a.w).
Ang Pagdarasal na Sunnah ng Manlalakbay sa kanyang sasakyan habang lumalakbay, kapag pumasok sa lugar sa ibang lugar na kanyang dinaanan ay pinapahintulutan.