Ang Magandang Asal sa Pagkain at Pag-inom

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 405

Idagdag sa mga paborito : 0

Itinuring ng Muslim na ang pagkain at inumin ay daan lamang na maghatid sa isang layunin at hindi ang mismong layunin. Kumakain siya at umiinom nang sa gayon ay kanyang mapanatili ang kalususgan ng kanyang katawan na sa pamamaitan nito ay nasasamba niya ang Allah. Ang pagsambang iyon ang siyang nagbibigay sa kanya ng karapatang matamo ang tahanan sa Kabilang Buhay at mamuhay na maligaya roon.
Hindi siya kumakain at umiinom alang-alang sa pagkain, inumin, at sarap ng mga ito. Kaya naman kung hindi rin lamang siya nagugutom ay hindi siya kumakain, at kung hindi siya nauuhaw ay hindi rin siya umiinom. Naisalaysay na ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Tayo ay mga taong hindi kakain hangga’t hindi nagugutom, at kapag kumain naman tayo ng hindi nagpapakabusog.”
Dapat sundin ng isang Muslim sa pagkain at pag-inom ang mga magagandang asal na itinatagubilin ng Islam.