Ang Mga Magagandang Asal Bago Kumain

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 403

Idagdag sa mga paborito : 0


1. Na pipiliin ang nakabubuting pagkain at inumin sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ito buhat sa mga bagay na halal, nakabubuti, at hindi nahahaluan ng anumang bagay na haram o nakapagdududa (kung haram o hindi). Batay ito sa sinabi ng Allah: “O mga sumampalataya, kumain kayo buhat sa mga nakbubuting bagay na ipinagkaloob naming sa inyo…” [2:172]. Ang nakabubuting bagay ay ang halal na hindi marumi at hindi nakadidiri.
2. Na ang lalayunin sa pagkain at pag-inom ay ang ikapagpapalakas ng katawan upang masamaba ang Allah nang sa gayon ay magtamo ng gantimpala sa kinain at ininom. Ang gawaing ipinahihitulot, sa pamamagitan ng mabuting layunin, ay magiging isang pagsamba sa Allah na may nakalaang gantimpala.
3. Na huhugasan ang mga kamay bago kumain kung ang mga kamay ay may dumi o hindi natitiyak ang kalinisan ng mga ito.
4. Na (kung kumakain sa lapag ay) uupo nang may pagpapakumbaba – uupo ng paluhod sa dalawang paa o uupo sa kaliwang paa habang nakatukod ang kanang binti – gaya ginagawang pag-upo sa Sugo ng Allah (SAS)” Hindi ako kumakain na nakatukod ang kamay sa sahig. Ako ay isang alipin (ng Allah) lamang na kumakain kung papaanong kumakain ang isang alipin, at ako ay umuupo kung papaanong umuupo ang isang alipin.”
5.  Na magkakasya sa kung ano ang pagkain nakahanda. Na hindi ito pipintasan. Kung magugustuhan ay kakainin at kung hindi naman magustuhan ay huwag kainin. Batay ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA): “Walang pagkaing pinintasan ang Propeta (SAS). Kung naiibigan niya ay kinakain niya; at kung hindi niya maibigan ay hindi niya ito ginagalaw.”
6. Na kakain siyang may kasamang iba pa gaya ng panauhin o kamag-anak o utusan. Batay ito ito sa isang Hadeeth: Magtipon kayo sa inyong pagkain at magsabi kayo ng Bismillah (sa ngalan ng Allah), pagpapalain Niya kayo sa inyong pagkain.”