Bakit Kailangan ang Hijab?
Ang pag-oobliga ng Islam sa pagsusuot ng Hijab ay dahil nais nito, batay sa marami at mga dakilang mga kadahilanan at mga layunin nito, na bigyan ng seguridad ang isang babae sa kanyang buhay may-asawa. Ang isang lalaki –kapag nagka-edad na ang kanyang maybahay at mawala na ang kabataan, kasiglahan, at kasariwaan nito sanhi na rin ng pagtanda kalakip na rito ang pagbubuntis, panganganak, pagpapasuso, at pagtatrabaho – ay mabubuhay pa rin nang malugod at kaaya-aya sa piling ng kanyang maybahay. Subali’t kung nagpunta ang lalaking ito sa lansangan ay nakakita siya ng isang dalagang nasa kasibulan nito sa rurok ng kagandahan at kabataan nito, ano na lamang ngayon ang kanyang mararamdaman kapag nakikita niya ito?! Ang tanawing ito ay magpapaningas sa init ng kanyang katawan. At pag-uwi niya sa kanyang maybahay ay magsisimula na siyang paghambingin ang dalawa.
Walang dudang ito ay may papel na gagampanan sa pagwasak ng maraming tahanan. Kaya inaatasan ng Islam ang babae na magsuot ng Hijab at sinasabi sa kanya: "Huwag mong itanghal ang iyong kagandahan upang hindi magningas ang init sa katawan ng mga kalalakihan na siyang sisira sa kanila at sa kanilang tahanan at upang kapag ikaw ay sumapit na rin sa pagtanda ay wala ring babae na darating para sumira sa iyong tahanan at sa inyong mag-asawa."