Ang mga Alituntunin Sa Pagreregla

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 200

Idagdag sa mga paborito : 0

1. Ang Salah (Pagdarasal)
Ipinagbabawal (Haram) at hindi matatanggap sa isang may regla ang magsagawa ng Salah na sapilitan o hindi sapilitan at hindi niya kailangang bayaran (magsagawa ng Qada') ang mga Salah na hindi niya nagawa noong siya ay nireregla pa. Ngunit nararapat niyang bayaran ang isang Salah kapag naabutan niya ang kahit isang minuto sa oras ng Salah, maabutan man niya ang simula o ang katapusan ng oras ng Salah. Ang halimbawa ng naabutan sa simula ang oras ng Salah ay ganito: Kapag ang isang babae ay dinatnan ng regla mga isang minuto pagkatapos lumubog ang araw, kailangang magbayad kaagad siya para sa Salah ng Maghreb pagkatapos ng kanyang regla at pagkatapos makapaligo dahil may naabutan siyang humigit kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito bago siya dinatnan ng regla. Ang halimbawa naman ng naabutan sa katapusan ang oras ng Salah ay ganito: Kapag huminto ang regla ng isang babae mga isang minuto bago sumikat ang araw, kailangang magbayad siya para sa Salah Al-Fajr pagkatapos na pagkatapos niyang makapaligo dahil may naabutan siyang humigit kumulang sa isang minuto sa oras ng Salah na ito nang huminto ang kanyang regla.
Ang dhikr Takbeer (pagsabi ng "Allahu Akbar”), Tasbeeh (pagsabi ng "Subhaanallah"), Tahmeed (pagsabi ng Alhamdulillah"), Tasmeeyah (pagsabi ng "Bismillah") sa pagkain at iba pang gawain, pagbabasa ng Hadeeth o Figh (Batas at Patakaran sa Islam) o Du'a (panalangin), Ta'meen (pagsabi ng Amen), at pakikinig ng Qur'an ay hindi ipinagbabawal sa babaeng may regla.
Hindi masama para sa isang babaeng may regla na basahin o bigkasin nang tahimik ang Qur'an. Halimbawa'y kung titingnan lamang niya ang mga nakasulat na talata ng Banal na Qur'an at babasahin ito na hindi binibigkas, ito ay hindi bawal. Ang higit na mainam para sa babaeng may regla ay huwag basahin ang Qur'an nang may tunog maliban na lamang kung kinakailangan. Halimbawa: hindi bawal na basahin ang Qur'an kung siya ay nagtuturo at kailangan niyang idikta o ipabigkas ang Qur'an sa mga tinuturuan o kung may pagsusulit at kailangan niyang basahin ang Qur'an. Ang estudyanteng may regla na nag-aaral ng Qur'an ay maaaring bumasa ng Qur'an nang may tunog kung talagang kailangan gaya halimbawa kung pagsusulit.
B. Pag-aayuno
Ang Pag-aayuno, tungkulin (Fard) man o hindi tungkulin (sunna), ay ipinagbabawal sa isang babaeng may regla at hindi matatanggap, ngunit kailangang magsagawa siya ng pag-aayuno sa ibang araw para sa mga araw ng Ramadan na hindi siya nakapag-ayuno. Kung dinatnan siya ng kanyang regla habang siya ay nag-aayuno, wala nang saysay ang kanyang pag-aayuno (sa araw na iyon lamang) kahit sabihin pang dinatnan siya nito ng isang minuto o mababa pa sa isang minuto bago lumubog ang araw. Kinakailangang bayaran niya sa ibang araw ang pag-aayuno para sa araw na iyon kung ang naturang pag-aayuno ay tungkulin (Fard, o pag-aayuno sa buwan ng Ramadan). Kung nararamdaman niya ang pagdating ng regla bago lumubog ang araw subalit ang dugo ay lumabas matapos na lumubog ang araw, ang pag-aayuno niya ay buo, tanggap at may saysay.
Kung sumapit na ang madaling araw at may regla pa siya, kailangang hindi siya mag-ayuno sa araw na iyon dahil hindi matatanggap ang kanyang pag-aayuno kahit pa huminto ang kanyang regla mga isang minuto matapos sumapit ang madaling araw. Kaya kung huminto ang kanyang regla bago magmadaling araw, kahit mga isang minuto bago magmadaling araw, kailangang mag–ayuno siya sa araw na ito sapagkat tanggap ang kanyang pag-aayuno kahit na nakapaligo lamang siya matapos na dumating ang madaling araw.
C. Ang Pagsasagawa ng Tawaf (Pag-ikot Sa palibot ng Ka'abah ).
Ipinagbabawal sa may regla ang pagsasagawa ng Tawaf sa Ka'bah, tungkulin man ito o hindi, at hindi iyon katanggap-tanggap. Ngunit ang ibang mga gawain at Umra gaya ng Sa'y (pagtakbo) sa pagitan ng Safa at Marwa (dalawang burol), pananatili sa Arafa, pananatili sa Muzdalifah at Mina, at iba pa ay hindi ipinagbabawal sa kanya. Kaya kung sakali man na nagsagawa ng Tawaf ang isang babae habang siya ay walang regla at biglang lumabas ang regla pagkatapos niyang magsagawa ng Tawaf o biglang lumabas ang regla habang siya ay nagsasagawa ng Sa'y, tanggap pa rin ang kanyang Tawaf o Sa'y.