ANO ANG KATOTOHANAN?

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 180

Idagdag sa mga paborito : 0

Sa Islam, ang nag-iisa at tunay na Diyos (Allah) ang Siyang naglikha ng lahat. Tanging ang dakilang Diyos (Allah) lamang ang naglalang ng lahat ng tao at hayop, ang mundo at ang mga bundok, mga karagatan at mga ilog, mga halaman at mga kagubatan, ang araw at ang buwan, ang kalawakan at ang mga daangtala, mga araw at mga gabi. Lahat ng bagay, alam man natin o hindi, pati ng hindi pa natin natutuklasan ay tanging Siya lamang ang naglikha.

Bilang pangkalahatan, si Allah ang tagapaglikha ng buhay, kamatayan at ang buhay pagkatapos ng kamatayan.

Subalit, ang iba’y nagsasabi na ang mga ito ay likas o nagkataon lamang?  Bigyan natin ng kahulugan kung ano ba ang tinutukoy nilang salitang “LIKAS O KALIKASAN” ayon sa agham. Ano ang kalikasan?

Sang-ayon ka ba na nabibilang sa kalikasan ang mga ito: mga halaman at mga planeta, mga daangtala at kalawakan, mga lambak at mga bundok, mga karagatan at mga ilog, mundo, araw, buwan, bituin at iba pang mga bagay. Na ang mga ito ay sila ang naglikha sa kanilang mga sarili o kaya’y sila ang naglikha sa sangkatauhan?

Ang Banal na Qur-an ay nagsasabi sa atin:
“O sangkatauhan! Sambahin ninyo ang inyong Panginoon (Allah), na Siyang naglikha sa inyo at sa mga nauna sa inyo upang kayo’y maging mga matutuwid.” (2:21)

“Nilikha Niya ang kalangitan at kalupaan sa katotohanan.” (39:5)
 
“At Siya ang naglikha ng gabi at ng maghapon, at ng araw at ng buwan, ang bawat isa ay nasa orbito (pag-inog) na lumulutang.” (21:33)

Silang mga naniniwala sa kalikasan ay nagsasabing hindi sila naniniwala sa Diyos sa kadahilanang hindi nila nakikita, o nahawakan, o makapagsagawa sa Kanya ng eksperimento!
 
Ilang taon na ang nakakaraan, binisita ako ng aking kapitbahay sa Oregon, USA sa aking bahay. Napag-usapan namin ang tungkol sa maraming bagay at kabilang na doon ang pananampalataya sa Diyos. Ang kapit-bahay kong ito, na may edad na, ay tumatanggi na mayroong Diyos, kinatok niya bigla ang lamesa, at nagwika: “Ako’y naniniwala sa lamesang ito  sapagkat nahahawakan ko ito at nararamdaman!”

Upang magpaliwanag sa kanya ay itinuro ko ang lampara sa kuwartong iyon at tinanong ko siya: “Naniniwala ka ba sa lakas ng kuryente?” Ang sagot niya ay: “Oo naman.”

Tinanong ko ulit siya: “Nakikita mo ba ang lakas na iyon na nagpapagana doon sa ilaw?” “Hindi.”, sagot niya.

Itinanong ko pa sa kanya ang mga katanungang ito:

- Nakikita mo ba – sa pamamagitan ng iyong mga mata – ang hangin na ating nasisimoy?
- May damdamin ka ba? Ano ang kulay, hugis at laki nito?
- Ano ang pagtulog? Ano ang kulay at timbang nito?
- At ilan pang mga bagay ang pinaniniwalaan natin na hindi natin nakikita?

Sa isa pang pangyayari, ay may nakilala akong lalake na ang pangalan ay Chris, at kasama niya ang kanyang asawa sa isang hotel sa Oslo, Norway. Habang nakikipag-usap sa kanya ay tinanong ko siya: “Ano ngayon ang layunin ng buhay?” Nagulat siya sa tanong ko at ang sagot niya ay: “Ngayon ko lang narinig ang ganyang tanong!” Idinagdag pa niya: “Palagay ko’y walang layunin ang aking buhay.” At kanyang sinabi din na: “Hindi ako naniniwala sa alinmang diyos.” Tinanong ko si Chris: “Bakit?” Sumagot siya na: “Hindi ko pa ito nakikita.”

Pinuna ko ang kanyang sagot, at tinanong ko siya (ng may ngiti):

- Mahal mo ba ang iyong asawa?
- Pisikal mo bang nakikita ang pagmamahal na ito?
- Ano ang kulay ng iyong pag-ibig?
- Ano ang timbang ng pagmamahal na ito?

Inyong isalarawan kung ano ang naging reaksyon ni Chris at ng kanyang asawa sa mga katanungang ito. Kahit hindi natin pisikal na nakikita o nasusukat ang pag-ibig ay hindi ito magdadala sa atin para tanggihan natin ang katotohanan na mayroon ngang tinatawag na pag-ibig at pagmamahal.

Bilang paghahawig, kung hindi natin nakikita ang Diyos dito sa mundo dahil sa kakulangan ng ating kakayahan, ay hindi ito nangangahulugan para tanggihan natin ang pagkakaroon ng Diyos.
Malinaw at maliwanag na mayroong Diyos at madali itong matutunton sa pamamagitan ng di-mabilang na mga palatandaan at mga katibayan katulad ng paglikha ng mga atomo, mga selula, mga tisiyu, mga kalamnan at sa bawat isa at bawat bagay na nilikha.

Bilang karagdagan, libu-libong mga Propeta ng Diyos at bilyun-bilyong mga sumunod sa kanila sa buong kasaysayan ng sangkatauhan ang nagpapatotoo na mayroong Diyos. Makatwiran bang ipagwalang-saysay ang testimonya ng bilyun-bilyong mga tao at mga palatandaan dahil lamang sa siyensya? Kaya bang pasinungalingan ng siyensya na mayroong Diyos? Nilikha ng Diyos ang panahon, kalawakan, lakas at materya, kaya naman ang mga teorya kung paanong ang mga bituin, mga planeta at buhay ay pumailanlang mula sa panahon at kalawakan ay walang kaugnayan sa katanungang, 'mayroon bang Diyos?'"

Ito ang katotohanan sa Islam. May Diyos na iisa lamang, ang tagapaglikha at tagapaglaan ng mga pangangailangan ng sansinukob. Hindi natin dapat kilalanin na mayroong nakahihigit sa Kanya o di kaya’y mayroon Siyang katulad. Nilikha tayo ng nag-iisang Diyos (Allah)  upang tanging Siya lamang ang sambahin. Sinuman ang sinasamba Siya sa tamang paraan at sinusunod ang Kanyang mga kautusan ay makakapasok sa Paraiso.

Sa kabilang banda, sinuman ang sumuway sa Diyos at sundin ang kanyang mga makasalanang luho ay dadalhin sa... Saan sa iyong palagay?

Ano ang Katotohanan? Ang ating Diyos ay iisa lamang!

Maaari lamang matamo ng bawat isa ang tunay na kaligayahan at katiwasayan ng isip sa pamamagitan ng paniniwala at pagsuko sa nag-iisang tunay na Diyos (Allah).