IKATLONG BAHAGI ANG GANDA AT KADALISAYAN NG BANAL NA QUR-AN

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 185

Idagdag sa mga paborito : 0

Ang Qur-an ang saligang-batas na ipinahayag ng Diyos (Allah) para mamahala sa buhay ng tao. Nagpapahayag ito ng ganap na kaalaman ng Tagapaglikha tungkol sa Kanyang paglikha. Inihahayag nito ang katotohanan at iniimbitahan ang sangkatauhan sa daan ng katotohanan. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kapalaran ng sangkatauhan.

Ito’y nagbibigay-aral at iniaangat ang tao sa pinakamataas na antas na ispiritwal, moral, intelektwal at panglipunan kung kanilang pagsusumikapan na unawain at isagawa ang mga aral nito.

Ang Qur-an ang siyang walang-hanggang himala na ibinigay sa kahuli-hulihang Propeta na si Muhammad, bilang katibayan ng kanyang pagiging propeta. Ito ay katangi-tangi. Ipinahayag ng mahigit labing-apat na siglo na ang nakararaan, ito ay nananatili pa ring buo at kumpleto at hindi napalitan mula sa orihinal nitong anyong Arabe.

Sa pagnanais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga magagandang berso ng Qur-an, ako’y labis na naguluhan kung alin ang pipiliin ko na ihandog sa inyo at alin ang hindi, dahil sa limitadong ispasyo ng aklat na ito.

Kaya upang matuklasan ang ganda at likas na yaman ng salita na ito ng nag-iisang tunay na Diyos ay maaari mong personal na basahin ang Qur-an. Subukan mong kumuha ng tunay na kopya ng Banal na Qur-an o maaari ka ring kumuha ng kopya sa ilan sa mga mapagkakatiwalaang website na Islamiko tulad ng www.sultan.org .


Mga Serbisyo ng AI
Mga Serbisyo ng AI