Pagpaparami ng pagsabi ng

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 10

Idagdag sa mga paborito : 0

"”
LA ILAHA ILLA ANTA SUBHANAKA INNIY KUNTU MINADH-DHAALIMEEN’
(Walang Diyos na marapat sambahin maliban sa Iyo, kaluwalhatian sa Iyo, tunay na ako ay kabilang sa mga nakakagawa ng pagkakamali)
Sinabi ng Allah ﷻ:
﴿وَذَا النُّونِ إِذْ ذَهَبَ مُغَاضِبًا فَظَنَّ أَنْ لَنْ نَقْدِرَ عَلَيْهِ فَنَادَى فِي الظُّلُمَاتِ أَنْ لا إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ سُبْحَانَكَ إِنِّي كُنتُ مِنَ الظَّالِمِينَ * فَاسْتَجَبْنَا لَهُ وَنَجَّيْنَاهُ مِنَ الْغَمِّ وَكَذَلِكَ نُنْجِي الْمُؤْمِنِينَ﴾[الأنبياء: 87، 88 ].
 (At alalahanin mo pa rin, O Muhammad (ﷺ), ang kuwento ni Dhun-Nun, na siya ay si Yunus Ibnu Matta na ipinadala ng Allâh sa kanyang sambayanan at hinikayat niya sila, subalit sila ay hindi naniwala, at binalaan niya sila hinggil sa parusa subalit hindi pa rin sila nagbalik-loob, at nang hindi na siya nakapagtiis sa kanila ayon sa ipinag-utos ng Allâh, siya ay umalis na may galit sa kanila at naninikip ang kanyang dibdib dahil sa kanilang di-pagsunod, at siya ay naniniwala na ang Allâh ay hindi siya parurusahan sa kanyang nagawang paglabag! Na kung kaya, sinubukan siya ng Allâh ng matinding pagdadalamhati, at siya ay nilamon ng malaking isda sa dagat, at siya ay nanawagan sa kanyang Rabb na Tagapaglikha sa kadiliman ng gabi sa ilalim ng karagatan na nasa ilalim ng tiyan ng malaking isda, na siya ay nagsisisi at umaamin sa kanyang pagkakamali; dahil sa hindi niya natiis ang kanyang sambayanan at kanyang sinabi: La i-lâ-ha il-lâ an-ta sub-hâ-na-ka in-nî kun-tum mi-nadz-dzâ-li-meen, na ang ibig sabihin ay Walang sinuman ang may karapatan at karapat-dapat na sambahin kundi Ikaw na Luwalhati sa Iyo, O Allâh, at ako ay kabilang sa mga nagkasala.{87} At dininig Namin ang kanyang panalangin, at iniligtas Namin siya sa matinding pagdadalamhati, na kung kaya, ganoon Namin inililigtas ang mga mananampalataya na mga matatapat. {88}) Al-Anbiya: 87-88
      Sinabi ni Al-Hafidh Ibnu Khatheer –kaawaan nawa siya ng Allah- sa kanyang tafseer sa sinabi ng Allah: (WA KADHALIKA NUNJIL-MU’MINEEN) {at gayundin din ay Aming ililigtas ang mga mananampalataya} ((Ibigsabihin nito: Kapag sila ay nasa kagipitan at sila ay nanalangin sa Akin at tumatalima sila sa Akin, lalong lalo na kung sila ay mananalangin sa pamamagitan ng panalangin na ito sa oras ng pagsubok o problema)).
     At pagkatapos ay nagbanggit siya ng Hadith ni Propeta Muhammad ﷺ na nagsabi: “Ang panalangin ni Dhun-Nun nang siya’y manalangin sa loob ng tiyan ng malaking isda ay: ‘LA ILAHA ILLA ANTA SUBHANAKA INNIY KUNTU MINADH-DHAALIMEEN’ walang sinumang nanalangin nito tungkol sa anumang bagay maliban na ito’y tutugunan ng Allah para sa kanya” Iniulat ni Imam Ahmad at At-Tirmidhy.
       Sinabi ni Allaama Ibnul-Qayyim –kaawaan nawa siya ng Allah- sa aklat na ALFAWAID: ((Hindi maiaalis ang mga kagipitan sa mundo maliban sa pamamagitan ng Tawhid, kaya ang mga panalangin sa kagipitan ay sa pamamagitan ng tawhid, at ang panalangin ni Dhun-Nun na ipinanalangin niya habang siya ay nasa kagipitan ay walang ibang dahilan ng pagpapagaan ng Allah rito liban sa Tawhid.
      Walang nagtatapon sa atin tungo sa napakatinding kagipitan liban sa Shirk (Pagtatambal sa Allah), at walang ibang makakapagligtas liban sa Tawhid, at ito ang takbuhan at silungan ng mga nilikha, at kanilang proteksyon at saklolo, at ang Allah ang Tagapagbigay ng Tawfiq (tulong at gabay).))