Paghiling sa Allah ng magandang kalusugan sa umaga at hapon

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 145

Idagdag sa mga paborito : 0

     Nagmula kay Abdullah Ibn Umar –radiyallahu anhu- na nagsabi: “Hindi nangyari na ang Sugo ng Allah ﷺ ay kanyang  iniwan ang mga panalangin na ito tuwing umaga at tuwing hapon:
اللهم إني أسألك العافية في الدنيا والآخرة، اللهم إني أسألك العفو والعافية في ديني ودنياي وأهلي ومالي، اللهم استر عوراتي، وآمن روعاتي، اللهم احفظني من بين يدي، ومن خلفي، وعن يميني وعن شمالي، ومن فوقي، وأعوذ بعظمتك أن أغتال من تحتي
 (ALLAHUMMA INNIY AS’ALUKAL-AAFIYATA FID-DUNYA WAL-AAKHIRAH, ALLAHUMMA INNIY AS’ALUKAL-AFWA WAL-AAFIYATA FI DIYNIY WA DUNYAYA WA AHLIY WA MAALIY, ALLAHUMMASTUR AWRAATIY, WA AAMIN RAW-AATIY, ALLAHUMMAHFADHNIY MIN BAYNA YADAYYA, WA MIN KHALFIY, WA AN YAMIYNIY, WA AN SHIMAALIY, WA MIN FAWQIY, WA AUDHU BI ADHAMATIKA AN UGTAALA MIN TAHTIY)
 “O’ Allah, Ako’y humihingi sa Iyo ng kaligtasan dito sa mundo at sa kabilang-buhay, O’ Allah, Ako’y humihingi sa Iyo ng kaligtasan sa aking relihiyon at sa aking pamumuhay sa mundo, pamilya at kayamanan. O’ Allah, Ako’y humihingi sa Iyo na pagtakpan Mo aking mga kamalian at ipanatag Mo ako mula sa pagkabahala, ‘O Allah, pangalagaan Mo ako mula sa aking harapan at sa aking likuran, sa aking kanan at sa aking kaliwa, at sa aking itaas. At nagpapakupkop ako sa kadakilaan Mo upang hindi ako mapinsala mula sa aking ilalim.”  Iniulat ni Ahmad at iba pa.