KAISAHAN NG ALLAH ANG DAAN TUNGO SA PARAISO

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 148

Idagdag sa mga paborito : 0


1- Si Uthman (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang sinumang namatay habang kanyang nalalaman na walang ibang Diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, siya ay makakapasok sa Paraiso". Muslim [Hadith Bilang: 41 – (26)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uthman ibn Affan ibn Abul As Al-Qurasie, siya ay ipinanganak sa Makkah pagkaraan ng taon ng Elepante ng anim na taon, at siya ay yumakap sa Islam ilang sandali lamang matapos ang pagkahirang ni Muhammad bilang Sugo, siya ay isa sa mga binansagan na Ameerul Mu’mineen (Pinuno ng mga mananampalataya) at ikatlo sa mga napatnubayang Khalifa (Humalili sa Propeta).
Siya ang pinakaunang lumikas patungo sa Ethiopia kasama ang kanyang asawa na si Ruqayyah na anak na babae ng Propeta (), siya ay nagtaguyod sa pagsuporta sa Islam sa pamamagitan ng kanyang sarili at kayamanan, at siya ay naghanda ng sandatahang hukbo sa panahon ng kagipitan ng 950 kamelyo at 50 kabayo, at binili rin niya ang balon na tinaguriang Ruma sa halagang (20) libo at kanyang ipinamahagi ito bilang kawanggawa, at kanya ring pinalawak ang Masjid ng Propeta sa halagang (25) libo, at siya ay hinalal sa pagkapinuno bilang kapalit ni Umar ibn Al-Khattab sa taong ika-(23) sa Hijri, natapos niya ang pagtipon sa Qur’an, at marami siyang nasakop na mga lugar sa ngalan ng Islam sa panahon ng kanyang pamumuno sa Asya at Aprika, at siya ay nakapag-ulat ng (146) na Hadith.
Siya ay napatay bilang isang martir sa loob ng kanyang tahanan sa Madinah sa kamay ng mga makasalanang salarin taong ika-(35) sa Hijri, sa edad niyang (90) o (80) taon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Malinaw na itinuturo ng Hadith na ito na ang sinumang namatay habang isinaalang-alang ang Salita ng Tawheed (Kaisahan ng Allah) at umiiwas sa pagtatambal, pagtalikod sa pananampalataya at sa mga mabibigat na kasalanan; katiyakang siya ay makakapasok sa Paraiso.
2. Nararapat sa isang Muslim na panghawakan ang Salita ng Tawheed (Kaisahan ng Allah) maging lantaran o palihim, gayundin sa gawa, pag-uugali at paniniwala.
3. Dapat iwasan ng isang Muslim ang anumang bagay na sumisira sa mga naging bunga ng Salita ng Tawheed tulad ng pagtatambal, pagtalikod sa pananampalataya at iba pa.