KABUTIHAN NG TAGAPAGPALAGANAP NG SUNNAH

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 172

Idagdag sa mga paborito : 0

3- Si Abdullah ibn Mas`uod (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: "Biniyayaan ng Allah ng kaliwanagan ang isang tao na nakarinig mula sa amin ng isang Hadith at kanyang ibinahagi ito; sapagka’t napakaraming binabalitaan lamang na mas nakakasaulo kaysa sa nakarinig mismo nito". Ibnu Majah [Hadith Bilang: (232)] At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (2657)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Mas`uod, isa sa mga pinakamaalam sa mga Sahabah at kilala, siya rin ang pinakamahusay sa pagbasa ng Qur’an sa mga Sahabah, at umabot ng (848) na Hadith ang kanyang naiulat, at marami siyang nasalihan na pakikipaglaban kasama ng Sugo (), at kasama rin siyang nakibaka sa labanan sa Yarmuk pagkatapos ng pagkamatay ng Sugo (), at siya ay ipinadala ni Umar ibn Al-Khattab sa Kufa upang turuan ang mga tao roon ng mga bagay na ukol sa kanilang pananampalataya, at pagkaraan ay hinalal siya rito ni Uthman ibn Affan bilang gobernador, at pagkatapos ay inutusan siyang bumalik sa Madinah, binawian siya ng buhay sa Madinah taong ika-(32) sa Hijri, sa edad niyang humigit ng (60) taon, at siya ay nailibing sa Baqi.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang kahulugan ng Hadith na ito’y: Katotohanang ang Allah ang nagkakaloob ng biyaya sa sinumang pinangangalagaan ang pagpapalaganap ng mga mapapanaligang Sunnah sa mataas na antas sa Mundo at Kabilang Buhay, dinadalisay nito siya at pinapalamutian at inihahatid sa lubos na kaligayahan sa Paraiso.
2. Nasasaklawan ng Hadith na ito ang panalangin ng Sugo () sa sinumang nangangalaga sa kanyang mga Hadith ng buong katapatan, pagtitiwala at kahusayan ng lubos na kaligayahan sa Paraiso.
3. Ang Hadith na ito ay naghihikayat sa pagpapalaganap ng mga mapapanaligang Sunnah sa lahat ng lehitimo at mabisa na paraan.