SUBHAANALLAAHI WA BIHAMDIHI

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 106

Idagdag sa mga paborito : 0

10- Si Abu Dhar (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, tinanong ang Sugo ng Allah () tungkol sa kung ano ang pinakamainam na salita? Siya ay nagsabi: "Ang pinili ng Allah para sa Kanyang mga anghel o sa Kanyang mga lingkod: Subhaanallaahi wa bihamdihi (Kaluwalhatian sa Allah at Kapuri-puri)". Muslim [Hadith Bilang: 84 – (2731)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Dhar (palayaw), na si Jundub ibn Janadah Al-Gaffari, siya ay nabibilang sa mga dakilang Sahabah (Kasamahan ng Propeta) at siya ay lagi nang mapagbigay, sa katunayan ay hindi siya nagtatabi ng anumang kayamanan, at siya ay naatasang magbigay ng mga kahatulan sa Madinah, siya ay nakapag-ulat sa mga aklat ng Sunnah ng (281) na Hadith.
Siya ay nagtungo sa Sham (Syria, Palestine, Jordan, at Lebanon), at pagkaraan ay nanirahan sa Ar-Rabdah (ito ay nasa layo ng isang daang kilometro mula sa Madinah patungo sa dakong Riyadh), at dito siya binawian ng buhay sa taong ika-(31) o ika-(32) sa Hijri, at si Abdullah ibn Mas`uod ang nagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal para sa patay).
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Binabanggit ng Hadith na ito ang mga kabutihan ng pagluluwalhati at pagpupuri sa Allah sa ganitong paraan:" Subhaanallaahi wa bihamdihi".
2. Ang pagiging abala sa paggunita sa Allah ay kabilang sa mga kadahilanan ng kapanatagan ng puso at kaginhawahan ng sarili.
3. Naghihikayat ang Hadith na ito sa madalas na paggunita sa Allah sa ganitong paraan:" Subhaanallaahi wa bihamdihi".