PAGPAPAKUPKOP SA ALLAH

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 48

Idagdag sa mga paborito : 0

14- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Propeta () ay lagi nang nagsasabi ng: "Allaahumma innee a`udhu bika minal junoon wal judham wal barasi wa sayyi-il asqaam (O Allah! Katotohanang ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagkabaliw, sa leprosi, sa ketong at sa masamang pagkakasakit)".
An-Nasai [Hadith Bilang: (5493)] Abu Daud [Hadith Bilang: (1554)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(8):



Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nagpakupkop ang Propeta laban sa masasamang mga sakit na ito dahil sa tindi ng kasamaan nito at pag-ayaw ng mga tao dito, at dahil sa ito’y nagdudulot din ng pagbabago sa kalikasan ng tao.
2. Ang kalusugan ang siyang pinakamalaking biyaya, kaya dapat ito pangalagaan ng isang Muslim at purihin ang Allah dahil dito nang madalas, sapagka’t nawawalan ng kakayahan ang tao sa pagsagawa ng mga nararapat at obligasyon kapag dinapuan siya ng mga ganitong uring masamang sakit.
3. May mga paraan upang mapangalagaan ang kalusugan; na sa katotohanan, ito ay kabilang sa mga panuntunan ng Allah, at kabilang din sa mga tanda ng pagkaalipin sa Allah ay ang igalang ang mga panuntunan na ito na siyang isinabatas ng Allah upang mapangalagaan ang kalusugan ng katawan.