ANG PAGHIHIKAYAT SA PAGTUPAD NG MGA KARAPATAN NANG GANAP AT SUBRA

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 464

Idagdag sa mga paborito : 0

32- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Kung kayo’y magtitimbang, inyong subrahan". Ibnu Majah [Hadith Bilang: (2222)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Jabir ibn Abdullah Al-Ansarie, isang dakilang Sahabi na nanumpa ng katapatan sa Propeta () sa gabi ng (pagpupulong sa) Aqabah kasama ang kanyang ama, at isa rin siya sa nanumpa ng katapatan sa Propeta () sa tinaguriang Bai`ah Ar-Ridwan. Siya ay isa sa mga kinabibilangang may maraming ulat na Hadith at umabot ang kanyang naiulat ng (1540) na Hadith, at binawian siya ng buhay noong ika-(73) sa Hijri, datapuwa't may nagsasabing taliwas dito.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang tunay na mananampalataya sa Allah ay nag-aangkin ng katangiang pangkatarungan at kawastuhan, sapagka’t ang katarungan ay personal na katangian, at ang kawastuhan naman ay katangiang pangkatalinuhan, at umiiwas siya sa pandaraya, sapagka’t ang pandaraya ay pagkukumpleto sa pansariling karapatan mula sa mga tao sa pagtimbang at pagsukat, samantalang pagbawas at pagkulang naman sa pagtimbang at pagsukat sa mga karapatan ng mga tao.
2. Dapat maging katangian ng isang Muslim ang kaluwagan ng loob; nang sa gayon ay kanyang mapakitunguhan ang mga tao sa mabuting paraan at kaluwagan ng pag-iisip, na kung saan ay kanyang maipagkaloob sa mga tao ang kanilang karapatan ng tama at tumpak.
3. Ang taong mandaraya ay laging kulang ang ibinabahagi sa iba at hindi tumpak; kung siya ang bumibili nais niyang labis-labis ang kanyang natatanggap; datapuwa’t kung siya naman ang nagbebenta nais niyang kulang ang naibibigay niya sa bumibili. Kaya ang isang tapat na Muslim ay yaong sumusunod sa landas ng katapatan at napagkakatiwalaan sa pagbenta at pagbili, sa pagkuha at pagbigay; ng