ANG KAHALAGAHAN NG LAYUNIN AT ANG KABUTIHAN NITO SA ISLAM

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 539

Idagdag sa mga paborito : 0

38- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Titipunin ang sangkatauhan ayon sa kanilang mga layunin". Ibnu Majah [Hadith Bilang: (4230)] Muslim [Hadith Bilang: 83 – (2878)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(32):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinapahiwatig ng Hadith na ito ang halaga ng layunin, kabutihan at kahigtan nito sa Relihiyong Islam, at ang batayan ng isang gawain ay ayon sa mabuting layunin na para lamang sa Allah at alinsunod sa Kanyang katuruan.
2. Ang Niyyah: Ito ay ang paglalayon sa isang bagay na may kasamang gawain; samakatwid, kung nilayon niya, nguni’t hindi naman niya ginawa, ito’y matatawag na Az'm (pagpapasya lamang), kaya ang katotohanan ng layunin ay may ugnayan sa takdang bagay na nilalayon.
3. Tunay na binanggit ng Qur'an ang mabuting layunin sa iba't ibang katawagan, katulad ng: paghahangad ng Kabilang buhay, paghahangad sa Mukha ng Allah, o paglalayon ng Kanyang Mukha at Kanyang mga habag.
PAGHIHIKAYAT SA PAG-DU`A SA GABI
39- عَنْ جَابِرٍ , أَنَّ رَسُوْلَ اللهِ قَالَ: "إِنََّ مِنَ اللَّيْلِ سَاعَةً، لاَ يُوَافِقُهَا عَبْدٌ مُسْلِمٌ، يَسْأَلُ اللهَ خَيْرًا، إِلاَّ أَعْطَاهُ إِيَّاهُ". (صحيح مسلم, رقم الحديث 167 - (757), ).
39- Si Jabir (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Katotohanang may isang oras sa gabi, na kapag ang panalangin ng isang lingkod na Muslim ay natapat dito habang siya’y nananalangin sa Allah ng mabuti, sa kanya’y ipagkakaloob ito". Muslim [Hadith Bilang: 167 – (757)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(32):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Naglalaman ang Hadith na ito ng paghihikayat tungo sa kabutihan ng panalangin sa lahat ng oras ng gabi sa pag-asang matapat sa oras ng pagtugon (ng panalangin).
2. Ang mabiyayang oras na ito ay itinago ng Allah upang magsumikap ang mga tao sa pag-aabang nito sa lahat ng bahagi ng gabi, katulad ng kanyang pagtago sa oras ng Jum`ah upang magsumikap ang mga tao at kanilang antabayanan ito sa lahat ng oras.
3. Naglalaman ang Hadith na ito ng paghihikayat tungo sa panalangin at paghingi ng kapatawaran sa lahat ng oras ng gabi hanggang sa bukang-liwayway, gayunpaman ang huling bahagi ng gabi ay mas mainam pa rin para sa pagdarasal, panalangin at paghingi ng kapatawaran kaysa sa unang bahagi nito.