MGA KAAYA-AYA SA ORAS NG IFTAR
42- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: Nakaugalian ng Sugo ng Allah (), na siya’y kumain ng mga Rutab (sariwang datiles) sa Iftar bago siya magsagawa ng Salah; at kung walang Rutab ay Tam’r (tuyong datiles), at kung wala nito ay ilang lagok ng tubig". Abu Daud [Hadith Bilang: (2356)] At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (696)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(8):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kanais-nais kumain ng mga Rutab sa Iftar bago magdasal ng Maghrib; kung walang Rutab ay Tam’r at kung wala nito ay ilang lagok ng tubig at kung wala ang mga ito ay kumain ng anumang Halal (malinis at ipinahintulot) na pagkain.
2. Ang Pag-aayuno ay isang uri ng pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pag-iwas (o pagtitiis) sa mga nakasisira ng pag-aayuno mula bukang-liwayway hanggang sa paglubog ng araw.