ANG LEHITIMONG SALAH SA PAGSIKAT NG ARAW
51- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na magsagawa ng Salah sa Dhuha (pagsikat ng araw) ng apat na Rak`ah, at dinadagdagan pa niya ito ayon sa ipahintulot ng Allah”. Muslim [Hadith Bilang: 79 – (719)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (5220)]
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang dasal ng mga taong lagi ng nagbabalik-loob (sa Allah) ay kilala sa tawag na Salat Ad-Duha, at ang oras nito ay magsisimula pagkatapos sumikat ng araw ng kasing haba ng sibat at mananatili ito hanggang sa sumapit ang katanghaliang-tapat, at tinatawag din itong Salat Al-Ishraq.
2. Ang pinakamababang bilang ng Raka’h ng Salat Ad-Duha ay dalawang Rak’ah at ang pinakamainam nito ay apat; isinasagawa ito ng dalawahan, at ang pinakamaraming bilang nito ay walo, datapuwa’t may mga eskolar na nagsasabing walang takdang bilang ang pinakamarami nito; kaya maaaring magsagawa ng dasal ang isang Muslim ayon sa abot kaya niya sa kondisyon na ito’y isinasagawa ng dalawahan.