ANG PINAKAMAINAM NA DU`A PARA SA TAONG GUMAWA NG KABUTIHAN

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : English

Mga View : 296

Idagdag sa mga paborito : 0

79- Si Usama ibn Zaid (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang ginawan ng kabutihan, at kanyang sinabi sa gumawa nito: Jazaakallaahu khayran (Gantimpalaan ka nawa ng Allah ng mabuti), katotohanang siya ay nagmalabis sa pagpupuri”. At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (2035)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(36):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang sinumang walang kakayahan sa pagbigay ng gantimpala sa sinumang gumawa sa kanya ng kabutihan at tinanggap ang pagkukulang, dapat niyang ipagkatiwala ang tungkol sa gantimpala nito sa Allah; upang siya ay magantimpalaan ng sapat na gantimpala dito sa mundo at sa kabilang buhay, at sasabihin niya sa kanya: “Jazaakallaahu Khayran (Gantimpalaan ka nawa ng Allah ng mabuti)”, kapag nasabi niya ito sa kanya; tunay na siya ay nagmalabis sa pasasalamat sa kanya at naipatupad niya ang katungkulang nakapataw sa kanya.
2. Ang pagbigay ng gantimpala ay naaayon sa mga kalagayan ng mga tao, samakatwid mayroon sa kanila na ang dapat na maging gantimpala niya ay katumbas ng kanyang ginawa o higit pa, samantalang mayroon sa kanila na ang kanilang dapat na maging gantimpala ay sa pamamagitan ng panalangin sa kabutihan at biyaya, sapagka’t yaong taong may kakayahan na nagmamay-ari ng maraming kayaman at may karangalan sa kanyang mga tao; ang dapat na maging gantimpala niya ay panalangin at hindi kayamanan. Datapuwa’t ang pinakamainam na salitaan ng Du`a sa sinumang gumawa sa iyo ng mabuti ay yaong nakasaad sa Sunnah tulad ng: “Jazaakallaahu khayran” na ang ibig sabihin nito: Gantimpalaan ka nawa ng Allah ng mabuting gantimpala o pagkalooban ka nawa ng Allah ng kabutihan ng mundo at kabilang buhay.