MGA DIK’R SA RUKU` AT SUJOOD

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 1

Idagdag sa mga paborito : 0

76- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, lagi nang sinasabi ng Sugo ng Allah () sa kanyang pagyuko at pagpapatirapa ang: “Subboohun Quddoosun, rabbul malaa-ikati war rooh [Kaluwalhatian sa Iyo (O Allah!), na Pinakabanal, ang Panginoon ng mga Anghel at Espiritu (Gabriel)]”. Muslim [Hadith Bilang: 223 – (487)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat sa isang Muslim ay magsabi paminsan-minsan sa kanyang Ruku` at Sujood ng: “Suboohun quddoosun, rabbul malaa-ikati war rooh” bilang pagsunod sa Sugo ng Allah ().
2. Ang kahulugan ng As-Subbooh: ito ay hango sa salitang At-Tasbeeh na nangangahulugan ng pagdakila at pagluwalhati sa Allah sa lahat ng bagay na di-angkop sa Kanya, samantalang ang Quddoos naman ay nangangahulugan ng kadalisayan na nagtatakwil ng lahat ng kapintasan at kakulangan, datapuwa’t ang pinapatukuyan dito na Rooh ayon sa ibang salaysay ay si Anghel Jibreel (Sumakanya nawa ang kapayapaan), siya lang ang binanggit bilang natatanging parangal para sa kanya kaysa sa ibang mga anghel, at maari din na ang ibig sabihin dito na Rooh ay tagapagtaguyod ng bawa’t buhay; na ang ibig sabihin ay: Ang Panginoon ng lahat ng mga Anghel at Panginoon ng tagapagtaguyod ng bawa’t buhay – ang Allah ang higit na Nakaaalam.
3. Sa panlabas ng Hadith na ito ay itinuturo niya na ang Sugo ng Allah () ay lagi niyang sinasabi ang lahat ng Dikr na ito sa Ruku` at sa Sujood sa ilang pagkakataon.
4. Itinuturo ng Hadith na ito na maaring pagsamahin ang Dikr at ang Du`a sa Ruku` at gayundin sa Sujood, datapuwa’t sa sinabi ng Propeta () na: “Dakilain ninyo sa Ruku` ang Panginoon, ang Kataas-taasan at Kapita-pitagan at magmalabis kayo sa Sujood ng panalangin; sapagka’t malapit na matugunan sa inyo”. Muslim [Hadith bilang: 207–  (479)]; samakatuwid iginigiit lang nito na ang kadalasan sa Sujood ay ang panalangin, samantalang ang kadalasan naman sa Ruku` ay ang mga Dikr, pagdakila at pagpupuri sa Allah; kaya hindi masama ang pag-du`a sa Ruku` at hindi rin masama ang pagdakila sa Sujood.