ANG ORAS (NG PAGGUNAW SA MUNDO) AY DARATING SA MGA MASASAMANG TAO LAMANG

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 1

Idagdag sa mga paborito : 0

73- Si Abdullah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: “Hindi darating ang Oras (ng paggunaw sa mundo) kundi sa mga masasamang tao lamang”.
Muslim [Hadith Bilang: 131 – (2949)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(3):






Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang Oras ay darating  sa mga masasamang tao na walang bahid na kabutihan, walang pananampalataya sa Allah at laganap sa kanila ang pakikiapid.
2. Samantalang ang mga mananampalatayang muslim ay hindi daratnan ng Oras, bagkus sila ay mamamatay bago ang pagdating ng Oras, na kung saan ay magpapadala ang Allah ng malamig at magandang hangin na huhugot sa mga kaluluwa ng mga mananampalataya, hanggang sa walang ng matagpuan na mabuting tao sa kalupaan, kaya wala ng matira dito kundi ang mga masasamang tao, at doon ay darating sa kanila ang Oras nang biglaan.
3. Ang matagumpay na grupo ng mananampalatayang lagi ng nangingibabaw sa katotohanan, sila’y mananatili sa kalupaan hanggang sa umihip ang magandang unos ng hangin na huhugot sa kanilang mga kaluluwa sa nalalapit na pagsapit ng Oras.