KALIWANAGAN NG MUKHA SA PAKIKIPAGTAGPO
70- Si Abu Dhar (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Sinabi sa akin ng Propeta (): “Huwag na huwag kang magkait ng anuman sa kabutihan, kahit man lang ang pagharap mo sa iyong kapatid ng maaliwalas na pagmumukha”. Muslim [Hadith Bilang: 144 – (2626)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(10):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito sa isang Muslim na sa sandaling siya ay makipagtagpo sa kanyang kapatid na Muslim ay marapat na maging maginhawa, maaliwalas, magandang bikas sa kasiyahan at kaligayahan.
2. Kapag ang isang Muslim ay may asawa, mga anak na lalaki’t babae, mga mag-aaral na lalaki’t babae, o may mga empleyado o trabahador; kailangan niyang pakitunguhan sila nang maaliwalas na mukha at buong puso, bilang pagpapatupad sa dakilang Hadith na ito, sapagka’t sila ay mga tao na may pakiramdam, pandamdam at mga ambisyon, kaya dapat silang binabati ng Salam ng buong kasiyahan, at sasabihin: Assalaamu alaykum (Sumainyo nawa ang kapayapaan)! Kumusta kayo? Sumainyo nawa ang kaginhawaan Insha Allah! Maayos ba ang lahat ng bagay? May kailangan ba kayo? Kapag nagawa ito, katiyakang mapupuno ang kanilang puso ng kasiyahan, kaligayahan at pagmamahal.
3. Ipinapaliwanag ng Hadith na ito na ang kaaliwalasan ng mukha at pagngiti sa sandali ng pakikipagtagpo ay isang kawanggawa.