PAGBASA NG QUR’AN SA SALAH SA FAJR

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 168

Idagdag sa mga paborito : 0

65- Si Abu Barzah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: “(Kung minsan), ang Sugo ng Allah () ay nagbabasa ng mga Talata (sa Qur’an) sa madaling araw (sa Salah sa Fajr) sa pagitan ng (60) hanggang (100) na talata”. Muslim [Hadith Bilang: 172 – (461)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (541)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Barzah Nadhlah ibn Ubaid Al-Aslamie ayon sa pinakatumpak na pahayag, at siya ay kasama ng Sugo ng Allah () na nakibaka sa pagsakop sa Makkah, siya ay nanirahan sa Basra at pagkaraan ay tumuloy sa Khorasan; pagkatapos ay nanirahan naman sa Maru, nguni’t pagkaraan ay bumalik siya ulit sa Basra.
Si Abu Barzah Nadhlah ibn Ubaid Al-Aslamie ay binawian ng buhay sa Basra taong ika-(30) sa Hijri bago ang pagkamatay ni Mu`awiyah, datapuwa’t may nagsasabi na siya ay namatay taong ika-(64) sa Hijri.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Salah sa madaling araw ay ang Salah sa Fajr, ibig sabihin ay nakaugalian ng Propeta (r) na magbasa sa madaling araw ng talata ng Qur’an minsan sa pagitan ng (60) hanggang (100) na talata.
2. Kaaya-aya ang pagsasagawa sa sama-samang pagdarasal ng may pagsaalang-alang sa kakayahan ng pinakamahinang tao sa grupo; sapagka’t hindi nais ng Allah ang pagdulot ng kapinsalaan sa mga mahihina o pagkainip ng mga nagdarasal  sanhi ng haba ng pagkatayo kung ito ay naisasagawa rin naman sa pamamagitan ng iilang talata lamang, datapuwa’t napatunayan ang kahigtan ng pagpapaikli sa sama-samang pagdarasal kaysa sa mahabang pagdarasal sanhi ng pangamba mula sa pagkakainip, pagod at kahinaan ng isang nagdarasal o higit pa.
3. Dapat sa Imam (namumuno ng Salah) sa Masjid na pangalagahan ang pagkakaisa ng mga tao at paglalapit ng kanilang mga puso at pag-akay sa kanila tungo sa katuruan (ng Propeta r) nang paunti-unti, datapuwa’t ito ang mas mainam kaysa sa paglayo ng kanilang damdamin; gayon pa man, ang mga Masjid ay magkakaiba ng kalagayan, kaya maaring ang ibang Masjid ay umaangkop dito ang pagbasa (ng Qur’an) nang mahaba, samantalang sa iba namang Masjid ay hindi umaangkop ito dahilan sa pagkakaiba ng kalagayan ng mga taong nagdarasal, kaya pangalagaan ng bawa’t Imam ang kalagayan ng mga taong nagdarasal sa kanyang Masjid; huwag niyang pahabain ang pagbasa sa paraang nakakainip, datapuwa’t hindi naman kalabisang maiksi.