MGA KADAHILANAN NG KALIGTASAN SA APOY

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 217

Idagdag sa mga paborito : 0


61- Si Adiy ibn Hatim (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Propeta () na kanyang sinasabi: “Ang sinuman sa inyo ang may kayang gumawa ng pananggalang laban sa Apoy (ng Impiyerno) na kahit isang hiwa lamang ng datiles ay gawin niya ito”.
Muslim [Hadith Bilang: 66 – (1016)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (1413)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Tareef at Abu Wahb, Adiy ibn Hatim ibn Abdullah At-Taaie, isang pinunong Sahabi mula sa mga matatalinong tao na bukas-palad, siya ay pinuno ng kanyang tribu, mula sa tribung Taaie sa panahon ng kamangmangan at sa Islam, siya ay isang marangal, mahabagin, at mananalumpati na may pambihirang pag-iisip.
Lagi nang inaasam-asam ng Sugo () ang pagyakap niya sa Islam upang kanyang maging katuwang, at sa katunayan siya ay nagsadya sa Sugo () noong taong ika-(7) sa Hijri, at ang sadya niya rito ay upang tuklasin ang kalagayan ng Sugong ito, at wala siyang layunin na yumakap sa Islam, subali’t nang siya ay dumating sa Madinah, kanyang nakaharap ang Sugo () sa Masjid nito, at kanyang napuna na ito’y hindi nag-aangkin ng pagkahari o pagkapinuno, kaya napagtanto niya na ang Sugo () ay hindi naghahangad ng kaharian o pagkapinuno, at pagkaraan ay dinala siya ng Sugo ng Allah () sa kanyang bahay, inaliw at inasikaso at hinikayat sa Islam at agad naman nitong niyakap ang Islam at naging maayos ang pagiging muslim nito, sa katunayan mayroon siyang isang kahanga-hangang katayuan at dakilang gawain sa panahon ng pagtalikod sa Islam; na kung saan siya ay nanatili sa Islam at pinagbawalan ang kanyang mga tao sa pagtalikod sa Islam, at gayundin naman na siya ay may malaking pakikibaka sa mga tagumpay ng Islam, siya ay kasamang lumahok sa pagpasok sa Iraq, sa Mada-in, sa Qadisiyyah at sa iba pang mga digmaan, kung kaya’t pinuri siya ni Umar ibn Al-Khattab ayon sa isang salaysay:
Si Adiy ibn Hatim ay nag-ulat, kanyang sinabi: “Dumating ako kay Umar (ibn Al-Khattab) sa isang delegasyon, at nang siya ay magsimulang tumawag ng isa-isa sa mga kalalakihan at sinasabi ang kanilang mga pangalan; aking nasabi: Hindi mo ba ako nakikilala o Ameerul Mu’mineen (Pinuno ng mga Muslim)? Siya ay nagsabi: Oo, kilala kita; ikaw yaong nanatili sa Islam habang sila nama’y tumiwalag sa Islam, ikaw yaong humarap habang sila nama’y tumalikod, ikaw yaong nagbibigay (ng kawanggawa) habang sila’y nagtatakwil nito, at ikaw yaong tumanggap habang sila’y nagkaila; kaya ang kanyang nasabi: Hindi bale na kung gayon”.
Al-Bukhari [Hadith Bilang: (4394)].
Sa isang salaysay, si Adiy ibn Hatim ay nag-ulat, kanyang sinabi: “Dumating ako kay Umar ibn Al-Khattab at kanyang sinabi sa akin: Katotohanan, ang pinakaunang kawanggawa na nagbigay ng liwanag sa mukha ng Sugo ng Allah () at sa mukha ng kanyang mga kasamahan ay ang kawanggawa ni Taaie na iyong dinala sa Sugo ng Allah (). Muslim [Hadith Bilang: 196 – (2523)].
At pagkaraan ay tumuloy si Adiy ibn Hatim At-Taaie sa Kufa, at naging tagatulong ni Ali ibn Abu Thalib, siya ay nakapag-ulat ng (66) Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
At namuhay si Adiy ibn Hatim At-Taaie ng mahabang panahon hanggang sa binawian siya ng buhay sa Kufa taong ika-(67) sa Hijri, sa edad niyang (120) taon, datapuwa’t may nagsasabi na mas higit pa roon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Saklaw ng Hadith na ito ang paghihikayat sa kawanggawa, at hindi makakahadlang dito ang kakuntihan nito, sapagka’t maaaring ang kaunti nito ay makapagliligtas mula sa Apoy (ng Impiyerno).
2. Ang kahulugan ng Hadith na ito: Kayo’y gumawa ng pananggalang at halang sa pagitan ninyo sa Apoy mula sa kawanggawa, kahit na ito’y napakaliit na bagay, tulad ng isang hiwa ng datiles o kalahati nito o bahagi lamang nito; sapagka’t ito’y may pakinabang, maaaring ito’y sasapat sa pagkain ng isang bata, kaya huwag magkait nito, at ang paggawa ng pananggalang ay isang talinghaga sa kapatawaran ng mga kasalanan.
3. Sa Hadith na ito’y binanggit lamang ang datiles bukod sa ibang bagay gaya ng sansubo ng pagkain, sapagka’t ang datiles ang siyang pangunahing pagkain ng mga taga-Makkah at Madinah.
4. Ang mga kadahilan sa pagpasok ng Paraiso at kaligtasan mula sa Apoy ay sadyang napakarami, kabilang na rito: Ang pagpuno sa mga pangangailangan ng mga tao, at ang pagbigay ng kawanggawa sa kanila kahit na ito’y napakaliit na bagay, at ito ay kabilang sa kabutihang loob ng Allah sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi marunong tumanaw ng utang na loob.