ANG PAGTATANTO SA PAGSAPIT NG RAMADAN

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 212

Idagdag sa mga paborito : 0

58- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Binanggit ng Sugo ng Allah () ang Hilal (ang bagong buwan ng Ramadan); at kanyang sinabi: “Kapag nakita ninyo ito ay mag-ayuno na kayo; at kapag muli ninyo itong nakita ay tapusin na ninyo ang pag-aayuno; datapuwa’t kapag naging maulap para sa inyo (ang langit), buuhin ninyo ng tatlumpung araw ang bilang (ng buwan ng Sha'ban)”. Muslim [Hadith Bilang: 20 – (1081)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):



Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang nakukuhang pakinabang mula sa Hadith na ito ay hindi ipinapahintulot ang pag-aayuno sa pinag-aalinlangang araw (ang ika-29 araw ng Sha’ban), gayundin ang ika-(30) araw ng Sha’ban kung naging maulap ang gabi nito.
2. Hindi ipinapahintulot na mag-ayuno sa buwan ng Ramadan maliban kung ito ay sumapit na at nabatid ang pagsapit nito sa pamamagitan ng pagkita sa bagong buwan (ng Ramadan) o may sumaksi na nakita ang bagong buwan, datapuwa’t kapag naging maulap ang (langit sa) gabi nito ay kailangang buuhin ng tatlumpong araw ang bilang ng buwan ng Sha’ban.


Mga Serbisyo ng AI