ANG PAGBABALIK SA MAKKAH

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 190

Idagdag sa mga paborito : 0


Walong taon makalipas ang Hijrah, naging matagumpay ang pagbabalik sa Makkah ng mahigit sa sampung libong Muslim.  Masayang-masaya ang lahat dahil sa loob ng walong taon ng kanilang pamamalagi sa Madinah, ito ang kauna-unahang pagkakataon na masilayan nilang muli ang Makkah.

Sa panahon ding ito, nagpasiya ang amain ng Propeta na si Al-Abbas at ang kanyang asawa na tanggapin ang Islam.

Nang marating ng mga Muslim ang labas ng Makkah,   nagsiga sila sa halos buong paligid nito sa kani-kanilang mga kampo.

Si Abu Sufyan na isa sa mga pinakamatapang at kilalang namumuno sa Quraysh at kaaway din ng Islam, ay nagsikap na puntahan at alamin kung kani-kaninong kampo ang mga yaon nguni’t bigla niyang nasalubong si Al-Abbas, ang amain ng Propeta at pinayuhan siya na huwag na niyang ituloy kung ano man ang kanyang binabalak, bagkus sumuko na lamang siya dahil marami na ang bilang ng mga Muslim.

Sa katunayan, nang mapag-alaman ito ni Omar ibn Al Khattab, nais niyang patayin si Abu Sufyan subali’t pinigilan siya ni Al-Abbas at ng Propeta.  Hindi nagtagal, tinanggap din ni Abu Sufyan ang Islam at naging Muslim ang lahat ng mga taga Quraysh. Gayundin, tinanggap ng iba pang tribu ng Arabia ang Islam at tuluyang naging malakas ang mga Muslim.

Sa araw na iyon, inalis ang tatlong daan at animnapong (360) mga istatwa o rebultong nasa loob ng Ka’bah.  Nanumbalik ang kadalisayan ng Ka’bah bilang bahay dalanginan ayon sa pagkakatayo nito nina Propeta Ibrahim at Ismael. 

Mga Serbisyo ng AI