ANG TATLONG MAHAHALAGANG SALIGAN NG ISLAM

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 147

Idagdag sa mga paborito : 0

Ang tatlong mahahalagang saligan ng Islam na dapat malaman ng bawa't Muslim ay ang mga sumusunod:

Kaalaman tungkol sa kanyang Panginoon (Rabb).

Kaalaman tungkol sa kanyang Relihiyon (Islam).

Kaalaman tungkol sa kanyang Propeta (Muhammad) 

Kapag tinanong:  Sino ang iyong Rabb?  Ang tamang kasagutan ay:  Ang aking Rabb ay ang AllahU  na Siyang  lumikha at humubog sa akin at sa sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapala.  Ang aking pagsamba ay bukod tanging para sa Kanya lamang.  Sa katunayan, walang ibang nararapat sambahin maliban sa AllahU.

Kapag tinanong:  Ano ang iyong relihiyon?  Ang tamang kasagutan ay: Ang aking relihiyon ay Islam na nanga-ngahulugan ng pagsuko, pagsunod, pagtalima at pagsamba sa AllahU sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang Kaisahan, pagsunod sa Kanyang mga Kautusan at pag-iwas sa Shirk (pagtatambal sa pagsamba sa Allah)  at pagkapoot sa mga naninindigan sa gawaing Shirk.

Kapag tinanong:  Sino ang iyong Propeta?  Ang tamang kasagutan ay:  Ang aking Propeta ay si Muhammad na anak ni Abdullah bin Abdul Mutallib bin Hashim. Si Hashim ay mula sa Tribu ng Quraish at ang Quraish ay isang tribu ng Arabo. Ang mga Arabo ay mga inapo ni Isma'il na anak ni Ibrahim  - Al Khalil (ang kaibigan ng AllahU).