ANG SAMPUNG PANURI SA PAGLISAN NG TAO SA ISLAM

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 196

Idagdag sa mga paborito : 0

Sinumang magtambal ng mga diyus-diyusan (Shirk) sa pagsamba sa AllahU ay lumisan sa Islam, katulad ng sinabi ng AllahU:

              
"…Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang kasalanang pagbibigay katambal sa pagsamba sa Kanya, nguni't Kanyang pinatatawad ang sinumang Kanyang naisin sa kanilang mga kasalanan maliban dito."  (An-Nissa-4:48)

                   
"Katotohanan, sinuman ang magbigay katambal sa pagsamba sa Allah, kung gayon ay ipinagbabawal ng Allah sa kanya ang Paraiso. At ang Apoy ng Impiyerno ang kanyang magiging tahanan.  At para sa mga mapaggawa ng masama  at nagtatambal ng pagsamba sa Allah -  walang tagatulong na makapipigil sa parusang ipapataw sa kanila." (Al-Maidah- 5:72)

Kabilang dito ang pag-aalay ng hayop para sa iba maliban sa AllahU, katulad ng pag-aalay sa Jinn (mga nilikhang di-nakikita), santo, imahen o sa mga libingan.

Sinumang nagtatalaga ng tagapamagitan sa pagitan niya at sa Allah, nananalangin sa kanila at humihiling sa kanilang mamagitan sa AllahU para sa kanya, at ibinibigay ang kanyang pagtitiwala sa kanila, siya ay isang di-nananampalataya. 
Sinumang hindi nagtuturing sa mga nagtatambal ng iba sa pagsamba sa AllahU na mga di-nananampalataya, o nag-aalinlangan sa kanilang di-pananampalataya, o nagtuturing na tama ang kanilang paniniwala, siya ay isa ring di-nananampalataya.

Sinumang naniniwala na ang patnubay ng iba ay higit na ganap o mainam kaysa sa patnubay na dinala ni Propeta Muhammad at siyang naniniwala na ang batas ng iba ay nakahihigit kaysa sa batas na dala ni Muhammad ay kahalintulad ng isang taong higit na ninanais ang pagmamahal sa mga huwad na diyus-diyusan kaysa sa pagmamahal niya sa AllahU. Samakatwid, siya ay hindi isang mananampalataya.

Sinumang nasusuklam sa anumang dala ni Propeta Muhammad  kahit na isinasagawa pa niya ito, ay isa ring di-mananampalataya.

Sinumang kumukutya o lumilibak sa anumang aspeto ng relihiyon (Islam) ni Propeta Muhammad o ginagawang katatawanan ang katuruan hinggil sa mga gantimpala o kaparusahan, siya ay isa ring di-nananampalataya. Ang AllahU ay nagsabi:

                
"Sabihin: Ang inyo bang kinukutya ay ang Allah at ang Kanyang Ayat (talata sa Qur'an) at ang Kanyang Sugo?  Huwag magdahilan:  Kayo ay naging di-mananampalataya pagkaraan ninyong maniwala." (At-Taubah-9:65-66)

Ang pangkukulam na kinapapalooban ng paglilihis, pang-aakit, panggagayuma at pagpapalit ng kalooban.  Sinumang gumagawa nito o sumasang-ayon dito ay isang di-mananampalataya.  Ang AllahU ay nagsabi:

             
"… Nguni't wala sa dalawang Anghel na ito ang nagturo sa sinuman ng gayong mga bagay maliban sa pagsaksi na: ‘kami ay pagsubok lamang' (huwag maging di-mananam-palataya sa pag-aaral ng salamangka)." (Al-Baqarah-2:102) 

Pagtataguyod ng mga nagtatambal sa iba sa pagsamba sa AllahU at pagtulong sa kanila laban sa mga Muslim.  Ang AllahU ay nagsabi:

              
"… At kung sinuman sa inyo ang nagturing sa kanila (bilang  mga kaibigan) magkagayo'y siya ay tunay na isa sa kanila. Katotohanan, hindi pinapatnubayan ng Allah  yaong mga taong hindi makatarungan (nagtatambal ng pagsamba sa Allah.)"  (Al-Maidah-5:51)

Sinumang naniniwala na ang ilang tao ay di-saklaw ng pagsunod sa Shariah ni Muhammad  katulad ng mga nag-aangking di-sakop ang mga mamamayan ni Khidr sa pagsunod sa Batas ni Moises ay isa ring di-mananampalataya.

Ang pagwawalang-bahala sa relihiyon ng AllahU sa pamamagitan ng di-pag-aaral nito at di-pagsasagawa nito.  Ang AllahU ay nagsabi:

                 
"At sino ang nakagagawa ng higit na maraming kamalian kaysa sa kanya na pinaaalalahanan sa Ayat (talata sa Qur'an) ng kanyang Panginoon at pagkatapos ay isinantabi o tinalikuran ito?  Katotohanan, Kami ay maglalapat ng ganti sa mga Mujrimun (kriminal, makasalanan, di-nananampalataya, nagtambal ng pagsamba sa Allah)."  (As-Sajada-32:22) 

Walang pagkakaiba ang mapagbiro at ang seryosong tao hinggil sa mga nagpapawalang bisang ito ng kanyang pagiging Muslim maliban sa isang nasa ilalim ng kagipitan.  Lahat ng kadahilanang ito ay sadyang mapanganib at karaniwang nangyayari.  Kung kaya ang isang Muslim ay nararapat na mag-ingat at matakot sa mga ito sa kanyang sarili. Tayo ay nagpapakupkop sa AllahU sa mga sanhi ng Kanyang poot at matinding kaparusahan.