ANG TATLONG BAHAGI NG TAWHEED

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 68

Idagdag sa mga paborito : 0

Tawheed Ar-Rububiyah (Kaisahan ng Kanyang Pagka-Diyos).

Bagaman ang mga pagano sa panahon ni Propera Muhammad  ay naniniwala dito, hindi pa rin sila binigyan ng karapatang pumasok sa Islam. Bagkus, si Propera Muhammad ay nagpahintulot sa Muslim na makipaglaban at makidigma sa kanila at pagkuha sa kanilang mga ari-arian bilang labi ng digmaan sapagka't sila ay nagtatalaga ng mga diyus-diyusan katulad ni Lat, Uzza at Manat bilang katambal ng AllahU. Ang Tawhid Ar-Rububiyah ay ang paninindigan sa Kaisahan ng AllahU sa lahat ng Kanyang mga gawa katulad ng matutunghayan sa Banal na Qur'an:

                                
"Sabihin:  Sino ang nagtutustos sa inyo ng mga biyayang mula sa langit at lupa?  O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at paningin?  At sino ang nagbibigay buhay mula sa patay at sino ang nagbibigay kamatayan sa buhay?  At sino ang namamahala sa lahat ng nangyayari?  Sila ay magsasabi: ALLAH!  Kayo kung gayon ay hindi natatakot sa kaparusahan ng Allah dahil sa pagtatalaga ng katambal sa pagsamba sa Kanya?  (Yunus-10:31) 

                     
"Sabihin {O Muhammad}:  Siya ang Allah ang Nag-iisa.  Ang Allah ang may kasapatan.  Siya ang sandigan ng lahat ng mga nilikha.  Siya ay hindi nagkaanak at hindi rin ipinanganak.  At walang makapapantay o maihahambing sa Kanya." (Al-Ikhlas-112:1-4)

Ito ay nangangahulugan na pinangyayari ng AllahU na maganap ang lahat ng bagay. Siya ang nagtutustos at nagpapanatili sa mga nilikha. Siya ang nag-iisang Panginoon ng sanlibutan, wala Siyang pangangailangan kaninuman bilang katulong.  Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay.

Tawheed Al-Uluhiyah [Kaisahan ng (Ating) Pagsamba sa Kanya]

Ito ang malaon ng pinagtatalunan sa iba't ibang yugto ng panahon hanggang sa kasalukuyan. Binibigyan-diin nito ang kahalagahan ng paniniwala na ang AllahU ang Tanging Nag-iisang Diyos na Siyang may karapatan sa lahat ng gawaing pagsamba katulad ng panawagan, pangako, pag-aalay ng hayop, pag-asa, pagkatakot, pagtitiwala, pagnanais, at pagsisisi. 

Ang bawa't isa sa mga ito ay pinatutunayan ng mga babala sa Banal na Qur'an.

             
"Katotohanan, Ako ang Allah, walang Diyos na dapat sambahin maliban sa Akin, kaya Ako lamang ang sambahin at magsagawa ng Salaah sa pag-alaala sa Akin." (Taha-20:14)

              
"O Tao!  Sambahin lamang ang inyong Panginoon (Allah) na Siyang lumikha sa inyo at sa mga nauna sa inyo upang kayo’y maging matapat na mananampalataya." (Al-Baqarah-2:21) 

        
"Kaya alalahanin ninyo Ako (sa inyong mga panalangin), alalahanin Ko rin kayo.  At maging mapagpasalamat sa Akin at huwag magtakwil sa pananampalataya." (Al-Baqarah-2:152) 

Tawheed Al-Asmaa wa Al Assifat (Kaisahan ng AllahU sa Kanyang mga Pangalan at Katangian) 

Ito ay nangangahulugan ng pagpapatunay sa lahat ng Pangalan at Katangian ng AllahU, na hindi binibigyan ng ibang kahulugan, o pinapalitan, o binabago, atbp.

Ang AllahU ay nagsabi sa Banal na Qur'an:

                       
"At lahat ng mga Pinakamagagandang Pangalan ay pagmamay-ari ng Allah (Subhana wa ta Allah).  Kung kaya tawagin lamang Siya sa mga ito. At iwanan yaong pinasi-sinungalingan at itinatatwa ang Kanyang mga Pangalan.  Sila ay pagbabayarin sa kanilang ginagawa." (Al-Araf-7:180)

         
"…Walang katulad Niya at Siya ang lubos na Nakaririnig, ang Lubos na  Nakakikita." (Ash-Shura-42:11)

Mga Serbisyo ng AI