ITO ANG KATOTOHANAN!

img

Marqoom

Kategorya :

Wika : Filipino

Mga View : 195

Idagdag sa mga paborito : 0

Isa lamang ang lumikha at ang lahat ay Kanyang nilikha na nararapat sumamba, magpasakop at sumunod lamang sa Kanyang mga ipinag-uutos. Kung ang lahat ng nilikha ay sumasamba sa Allah (swt) ang nag-iisang Diyos, nararapat bang hindi ka mabilang sa kanila?

Kung ikaw man ay nailihis lamang ng paniniwala, nailigaw o naturuan ng maling relihiyon ng ibang tao, nararapat kang magpasiya at piliin mo ang pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ikaw ay magbalik sa Kanya!

IKAW AY MAGPASIYA, IKAW AY MAGBALIK- ISLAM
Ito ang unang dahilan kung bakit nararapat kang magbalik-Islam, sapagka't ito ang tunay mong relihiyon, ang relihiyon ng lahat ng nilalang, ang relihiyon maging ng ating mga Ninuno.

PANGWAKAS NA SALITA
Ito ang buod ng mensahe ng aklat na ito, na iisa ang relihiyong ibinigay ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga nilikha, ang relihiyong Islam. At gayun din naman, ito rin ang kauna-unahang relihiyong niyakap ng ating mga ninunong Pilipino nang sila ay magising sa katotohanan, at sinunod nila nang may kabanalan.

Alalahanin, hindi ito bagong relihiyon na ipapalit sa pananampalatayang iyong pinaniniwalaan bagkus, ito ang dati mong relihiyon na kanilang pinalitan.

Panahon na upang piliin mo ang relihiyong iyong ipamumuhay. Kung ikaw ay nalihis, o ikaw man ay naligaw, ikaw ay magpasiya. Sundin mo ang kalooban ng Dakilang Lumikha, ang Allah (swt). Ikaw ay magbalik-Islam!

Mga Serbisyo ng AI