ISANG BUKAS NA PAANYAYA
"At sinuman ang magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam, kailanma'y hindi ito tatanggapin sa kanya, at sa kabilang buhay siya ay mapapabilang sa mga taong ang mga gawain ay nawalan ng kabuluhan." Qur'an 3:85
Dagdag na Paalala:
Ang lahat ng mga Propeta tulad ng mga sumusunod: Noah, Abraham, Moses, Jesus, at Muhammad (Ang Pagpapalala at Pagbati ng Allah ay sumakanila) ay iisa lamang ang inihatid na mensahe sa sangkatauhan, ito ay ang sambahin lamang ang nag-iisang Diyos, ang Allah (swt), at huwag maglagay ng kasama Niya sa Kanyang Kaluwalhatian.
Huwag hayaang lumagpas ang gintong pagka-kataon na mabasa ang Banal na Qur’an, ang bukod tanging Banal na Aklat ng Diyos na nasusulat sa dalisay at orihinal nitong Kapahayagan.
Alamin ang katotohanan hinggil sa tunay na relihiyong ipinadala ng Lumikha bago sumapit sa atin ang itinakdang kamatayan. Katiyakan, kapag ang tao ay patay na, hindi na siya maaaring bumalik pa sa mundong ito upang doon magpa-siyang yakapin at sundin ang relihiyong ibinigay ng Dakil