Ang Nag-iisang Tagapaglikha na Tanging Kaparat-dapat Sambahin

img

Administrator

Ibahagi

Kategorya : Electronic Dialogue

Wika : Filipino

Mga Pananaw : 0

Idagdag sa Paborito : 0

Binibigyang-diin ng Islam na ang panteyorya o huwad na mga paniniwala ay hindi sapat upang maging isang tunay na mananampalataya. Samakatuwid, kung ang isa ay naniniwala na ang Panginoon at ang Tagapaglikha ay Iisa, kasunod nito, kung gayon, ang taong ito ay walang dapat na sasambahin maliban sa Kanya (Allah).

AAng salitang Arabik na ‘Allah’, ay ang tamang pangalan ng Nag-iisang Diyos, na nangangahulugan ng tatlong saligan: 

Ang Nag-iisa na karapat-dapat sambahin, ang Nag-iisa na tapat na pinag-aalayan ng tao ng mga panalangin, at pag-aayuno, at ang Nag-iisa na binabalikan ng kanilang mga puso, at sa Nag-iisa na tapat na iniaalay ang lahat ng kanilang ginagawang pagsamba. 

Ang Pinakadakila sa Kanyang PagkaPanginoon, mga katangian, at kaluwalhatian sa sobrang lawak na ang limitadong kaisipan ng tao ay hindi kayang sukatin ang Kanyang kadakilaan at maunawaan ang katotohanan nito.

Ang Nag-iisa kung saan malapit ang mga puso at siyang hinahangad, at kung kanino sila humihiling, at ang Nag-iisa kung saan matatagpuan ang kapayapaan at kapanatagan ng kanilang mga puso kapag naaalala nila ang Allah at maranasan ang malaking kagalakan sa pagiging malapit at pagsamba sa Kanya.

Ang Qur’an ay binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagwawasto sa pagkilala sa Allah at pagsisikap na alisin ang lahat ng mga pagkakabaluktot at mga pagkakamali na nagtatangkang sumira sa kadakilaan at kaluwalhatian ng Allah.

Kaya naman ang Allah, tulad ng ipinaliwanag sa Qur’an, ang Naglikha at ang may likha ng mundong ito, at ang mabilis na pagtakbo ng mga minuto pati narin ng mga batas na Kanyang inilagay dito. Siya ang Nag-iisang Tagapaglikha, at ang lahat ng bagay na dumating ay nagmula sa Kanyang ganap na kapasyahan. Walang babaeng magbubuntis o manganganak maliban sa Kanyang kaalaman at kapasyahan. Walang babagsak na mga ulan, o isang pagbabago na magaganap sa gabi o sa araw, maging ito ay maliwanag o nakatago, ang anumang aspeto sa malawak na mundong ito, maliban na lamang kung ito ay sumasaklaw sa Kanyang kakayahan, kaalaman, habag at natatanging kapangyarihan (41:47; 6:59).


Sinabi sa atin ng Qur’an na ang Allah ay may 99 na mga pangalan, kabilang dito:

 Ang Pinaka-Makapangyarihan sa lahat kung saan nabibilang ang perpektong kapangyarihan at kailanman Siya ay hindi malulupig; ang Pinaka-Mahabagin, kung saan ang habag ay sumasaklaw sa lahat; at ang Tanging Kataas-taasan, kung saan walang anumang pagkakamali na maaaring ikabit.

Ang pangangailangan ng tapat na pagsamba lamang sa Allah ng walang pagtatambal sa Kanya ay ang pahayag na higit na binibigyang-diin sa Islam at ginagawang mas malinaw.Sa katunayan, ang lahat ng mga Sugo ay nanawagan sa kanilang mga Tao sa napakahalagang bagay na ito.

Bagama’t may ilang nagsasabi na nilikha ng Allah ang kalangitan at kalupaan sa loob ng anim na araw at sa ikapitong araw Siya ay namahinga, sinabi sa atin ng Qur’an (50:38), “Nilikha Namin ang mga kalangitan at kalupaan, at kung ano man ang nasa pagitan ng mga ito sa loob ng anim na araw; at walang pagod ang nakapinsala sa Amin.”Ang nakaraang pagpapakahulugan ay ginawa lamang bilang isang resulta ng Ang pangangailangan ng tapat na pagsamba lamang sa Allah ng walang pagtatambal sa Kanya ay ang pahayag na higit na binibigyang-diin sa Islam at ginagawang mas malinaw.Sa katunayan, ang lahat ng mga Sugo ay nanawagan sa kanilang mga Tao sa napakahalagang bagay na ito. 63 paghahalintulad sa Allah sa mga nilalang kung saan ang isipan ng tao ay pamilyar, nguni’t wala ng hihigit pa mula sa katotohanan, dahil ang Allah ang tanging Tagapaglikha at ang lahat ng bagay maliban sa Kanya ay Kanyang mga nilikha. Kaya paanong ang tanging Tagapaglikha ay katulad ng Kanyang nilikha? Tulad ng binanggit sa Qur’an, “Walang kahit na anumang bagay na tulad Niya, at Siya ang Nakakarinig ng Lahat, ang Nakakakita ng Lahat.” (42:11) 

Ayon sa Islam, ang Panginoong makapangyarihan ay makatarungang tagahatol na hindi nagkakamali sa sinuman kahit na ito ay kasing-bigat ng isang atom. Anuman ang nararamdaman natin sa buhay na ito ay nagpapatunay sa Kanyang lubos na karunungan at walang katapusang biyaya. 

Tanging ang isang bata ang walang kaalaman sa karunungan sa likod ng ilang mga gawain ng kanyang mga magulang at marahil hindi mauunawaan o maipaliwanag sa kanila, ang pag-unawa ng tao ay maaaring hindi maramdaman ang karunungan at layunin ng Allah tungkol sa ilang aspeto ng Kanyang paglikha at kapasyahan. Sa Islam, kung ang isa ay naniniwala na ang Panginoon at ang Tagalikha ay Iisa, kung gayon ay nararapat na sambahin lamang Siya. 

Walang anumang gawaing pagsamba ang dapat na ialay maliban sa Allah, o hindi dapat mag-alay ng anumang panalangin maliban sa Kanya. Sa halip, ang isang tao ay dapat na tapat sa pagsamba sa Allah ng walang anumang tagapamagitan o tagapagtanggol, dahil ang Nag-iisang Tagalikha ang pinakamataas sa lahat ng ito. Samantalang ang mga Hari o mga Pangulo ay hindi malalaman at makakaresponde sa pangangailangan ng mga mahihirap at mahihina ng walang tulong mula sa kanilang mga kawani at mga kasamahan,  alam ng Makapangyarihang Allah kung ano ang nakikita at kung ano ang nakatago. Siya ang Pinaka-Malakas sa Lahat at ang Nag-iisang Tunay na Pinaka-Mataas, ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay. 

Ang buong sansinukob ay nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan at kapag iniatas Niya ang isang bagay, sasabihin lamang Niya dito na, “Maging,” at ito ay magiging. Kung gayon bakit bumabaling sa iba maliban sa Kanya? Malinaw na ipinahayag ng Qur’an na ang kapanatagan at kaligayahan ay hindi ganap na mapagtatanto maliban na lamang kung ang isang Muslim ay magbabalik-loob sa kanyang Nag-iisang Panginoon at mananalangin sa Kanya. Tunay na may kapangyarihan ang Allah sa lahat ng bagay at Siya ang Dakila at ang Maluwalhati sa Lahat na nagmamahal at nagpapakita ng napakalawak na kabutihan sa Kanyang mga nilalang sa paraan na hindi nila nauunawaan. Ginagantimpalaan din Niya ang mga ito ayon sa kanilang pagbabalik-loob sa Kanya at pagpapakita ng pagpapakumbaba sa Kanya. (2:28; 27:62-63). Samakatuwid, ang paksa na labis na pinahalagahan ng Islam at ginawang likas na malinaw – ay ang paksa kung saan ang lahat ng Sugo ng Allah ay nanawagan sa kanilang mga tao. – Ang pangangailangan ng taos-pusong pagsamba sa Nag-iisang Diyos lamang na walang pagtatambal sa Kanya (16:36). 

Walang Sugo, Anghel, o santo ang dapat tawagin sa anumang paraan sa pagkukunwaring isang tagapamagitan, sapagka’t Siya ay malapit lamang, at naririnig ang kanilang mga panawagan at sinasagot ang kanilang mga panalangin hangga’t matapat silang sumasamba sa Kanya lamang. Ang isang tao na taos-pusong nagbabalikloob sa Allah ay mararanasan ang tamis ng kaligayahan at tatamasahin ang panloob na kapayapaan at katahimikan. 

Hindi siya makakaranas ng pagkalito, pagkabagabag at pagkabalisa, dahil alam niya na ang Nag-iisang Tagapaglikha at Nag-iisang Nagmamay-ari ng lahat ng bagay ay Iisa, at sa gayon siya ay hindi bumabaling sa iba maliban sa Kanya at hindi humihingi ng kanlungan sa iba maliban sa Kanya. Ang kahulugan nito ay nakapaloob sa isang napaka-ikling kabanata (surah) – tunay na isa sa pinaka-kilala at napakahalagang kabanata sa Qur’an – na tinatawag na, Al-Ikhlas (Ang katapatan).