Ang Islam sa Buhay na Ito at sa Kabilang Buhay
Ang mga sinaunang taga-Ehipto ay ginagawang momya (mummy) ang kanilang mga patay at inililibing ang mga ito kasama ang pinakamahahalagang mga ari-arian dahil iniisip nila na kakailanganin nila ang mga ito sa kabilang buhay.
Ang mga Budhistang Tibet ay nagsasagawa pa rin ng libing sa kalangitan, kung saan ang bangkay ng isang tao ay pinaghihiwa-hiwalay at pagkatapos ay ikinakalat sa tuktok ng mga bundok para sa mga buwitre at mga mangangain ng karne.
Ang mga Hindu ay nag-kecremate (nagsusunog) pa rin sa kanilang mga patay dahil naniniwala sila na ang pagsunog ng isang patay na katawan ay nagpapahiwatig ng pagpapalaya ng espiritu.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa kung paano nagpapaalam sa mga patay ang mga tao. Ang lahat ng kultura ay nagtanong, mayroon bang buhay pagkatapos ng buhay? Ano ang kailangan natin doon?
Ang kamatayan ay tunay at totoo na dapat tanggapin ng pangkalahatan ng walang pag-aalinlangan at naghihintay sa ating lahat na walang makakaligtas – naniniwala man tayo sa buhay sa kabilang buhay, o kahit na ang ating mga paniniwala ay limitado lamang sa makamundong bagay na nararamdaman ng ating mga isipan.
Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mahalaga sa lahat; Ang kamatayan ay ang tanging may katiyakan lamang sa buhay, at dumarating sa lahat, anuman ang relihiyon o estado ng paghahanda. 
Kahit na subukan nating kalimutan ang ating hantungan na panghabangbuhay, madalas kaparing mapapa-isip kung ang kamatayan ba ay ang tunay na katapusan, o ang ating pag-iral ba ay walang halaga.
Ang Qur’an ay tumutukoy dito sa maraming paraan, at nagpapa-alala na sa Araw ng Paghuhukom ay marami ang magsisisi sa hindi pagsunod at paghahanda bago lumisan sa mundong ito, at sasabihin, “O, kung nakapaghanda lamang ako ng mas maaga para sa buhay ko! (89:24); ang ilan sa kanila ay mananangis sa kanilang kapalaran, sasabihin, “O, kung ako lamang sana ay isang Alabok!” (78:40)
Ang lahat ng mga tagasunod ng dakilang relihiyon ay naniniwala sa buhay sa kabilang buhay at sa gantimpala at kaparusahan.
Hindi lihim na ang relihiyon ni Abraham ay naniniwala sa hinaharap, at sa gantimpala at kaparusahan. Ito ay tunay na isa sa pinakatapat na mga mensahe kung saan pinadala ito sa lahat ng mga Sugo. Dagdag pa dito, sinabi sa atin na ang buhay, relihiyon at kabutihang asal ay walang kahulugan kung wala ang buhay sa hinaharap, kung saan ang mga tao ay gagantimpalaan at parurusahan sa kanilang mga gawa.
Ang ilan ay nagkakamali sa paniniwala na ang relihiyon at pagsamba ay hindi maaaring pagsamahin, ang kasiyahan, libangan, pag-unlad at pagtamo ng kayamanan, at ang tao ay dapat lamang na mabuhay kung hindi para sa buhay na ito o di kaya ay para lamang sa hinaharap.
Binibigyang-diin ng Islam ang kahalagahan sa pagkakaroon ng isang mahusay na balanseng buhay. Habang mahigpit nitong ipinag-uutos sa mga tao na magmadali sa pagsamba sa Allah upang magantimpalaan sa kabilang buhay, kasabay nito, ay ang paghimok sa kanila na magsumikap sa mundong ito na hingin ang biyaya ng Allah at kumita ng ikabubuhay.
Mahirap para sa ilan sa kanila na maniwala na ang hadlang sa pagitan ng pagsamba at kasiyahan, o sa pagitan ng pagsamba at kayamanan ay hindi umiiral sa Islam. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad (s), na ang isang tao ay gagantimpalaan sa lahat ng gawaing ginawa na may mabuting layunin, kahit na ito ay isang maliit na gawain tulad ng pag-alis ng isang matulis na bagay mula sa daanan, o paglalagay ng isang subong pagkain sa bibig ng kanyang asawa. (Al-Bukhari: 56). 
Nang minsang sinabihan ni Propeta Muhammad (s) ang kanyang mga kasamahan na ang paraan sa paggawa ng mabuti ay iba-iba at walang katapusan, nagbigay siya sa kanila ng isang halimbawa, na nagdulot sa kanila ng higit na pagkamangha. Kanyang (s) sinabi, “… At ang sekswal na gawain ng bawat isa sa inyo ay isang kawang-gawa.” Sila ay nagtanong, “Paano kami gagantimpalaan sa pagpawi ng aming sekswal na hangarin? Kanyang (s) sinagot, “Kung papawiin mo ito ng labag sa batas, magkakaroon ka ba ng kasalanan?” “Oo, kanilang sinagot. “Gayundin, kanyang (s) sinabi, sa pamamagitan ng pagpawi nito ayon sa batas (kasama ng iyong asawa), tiyak na ikaw ay gagantimpalaan para dito.” (Muslim: 1006).
Sa mga nag-aaral tungkol sa Islam ay maaaring mapansin ang balanseng katuruan ng relihiyon sa pagitan ng kasalukuyan at sa susunod na buhay. Habang ang Qur’an ay inuutusan ang mga tao na magmadali sa pagsamba sa Allah upang magkamit ng gantimpala sa kabilang-buhay, binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagsusumikap sa mundong ito, at upang hingin din ang pagpapala ng Allah (62:9-10). Yamang ang Islam ay sumasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay, ang lahat ng gawain ng mga tao ay itinuturing na gawaing pagsamba hangga’t ito ay ginagawa ng may malinis na hangarin. Ang isang Muslim ay kailangang sumamba sa Allah sa pamamagitan ng maayos na pagsasagawa ng kanyang trabaho upang kumita ng ikabubuhay, pagpapalaki ng kanyang mga anak, pag-iingat sa kanyang kalusugan at kanyang kapaligiran at pagpapaunlad ng lipunan sa abot ng kanyang makakaya, tulad ng pagsamba niya sa Allah sa pamamagitan ng mga pagdarasal, pag-aayuno at pagbibigay ng kawang-gawa.
 Ito ang isang lihim sa likod ng pangkaisipang kabutihan at panloob na kapayapaan na mararanasan ng isang Muslim pagkatapos maramdaman ang pagkakaisa na umiiral sa Islam sa pagitan ng buhay dito sa mundo at buhay sa hinaharap, at sa pagitan ng kasiyahan at pagsamba. Walang anumang pagkakasalungat sa pagitan ng mga ito; sa halip, ay pinupunan nila ang bawat isa.
Ang Qur’an ay nagbibigay ng kasabihan sa isang Muslim tulad ng mga sumusunod: Itinatalaga ko ang aking sarili sa lahat ng aspeto ng pagsamba sa Allah, at hindi lamang mga panalangin at ang aking mga debosyon, at ako ay umaasa sa gantimpala na mula sa Kanya sa pagsasagawa ko ng mga ito. Siya lamang ang tanging hahatol sa aking mga gawain at magbibigay sa akin ng gantimpala para sa mga ito pagkatapos ng kamatayan, gayundin sa pagsunod sa kautusan ng Allah at Kanyang relihiyon, ang Islam (6:162).
Mga Serbisyo ng Artificial Intelligence
- I-download
 - Mga Tweets
 - SEO (Search Engine Optimization)
 - Pag-refute sa mga Paninira laban sa Sunnah / Hadith
 - Mga Emosyon sa Clip
 - Tanong at Sagot
 - شرح للاطفال
 - Mga Natutunang Aral
 - Mga Paksang Pang-edukasyon
 - Inirekomendang Khutbah
 - Buod
 - Script para sa Video Clip
 - Mind Maps
 - Infograph
 - Flow Chart
 - Disenyo ng Brochure
 - Seo - Enhanced-تعديل
 - Post sa Facebook
 - Mga Hashtag
 - Pangunahing Punto
 - Teksto para sa Disenyo
 - الاحاديث