Sa Ngalan ng Allah, ang Maawain, ang Mahabagin

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 28

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Ang lahat ng pagpupuri ay sa Allah, nawa'y ang
pagpapala at kapayapaan ay maitampok sa pinakasagka
sa mga Propeta na si Muhammad, gayundin sa kanyang
pamilya, kasamahan at lahat ng kanyang mga tagasunod
hanggang sa araw ng Paghuhukom.
Katotohanang ang Islam ang siyang relihiyon ng
ganap na kaligayahan sa mundo at sa huling araw; kaya
ipinapaliwanag nito sa sangkatauhan ang landas ng
kaligayahan para sa pang-indibidwal, pangpamilya,
panlipunan at pangrelihiyon na kabuhayan, samakatuwid
hindi kinikilala nito ang kawalan ng katarungan, awayan at
pagkapoot sa lahat ng mga lipunang pantao, at tunay na
ang mga nasasaksihan na kasamaan ng mga tao na siyang
nananaig sa mundo sa kasalukuyang panahon ay bunsod
ng paglayo sa tunay na diwa ng Islam.
Kaya dahil dito kami ay nag-aanyaya tungo sa tunay
na pagtangan sa dakilang relihiyon na ito na siyang dala
ng marangal na Sugo na si Muhammad ibn Abdullah ();
kaya nais kong ilahad sa harapan ninyo ang isang lupon ng
mga piling Hadith ng Sugo () para sundin siya nang may
kasamang pagmamahal, at dakilain nang buong
katotohanan at katapatan.

Mga Piling Hadith
5
Dapat sa isang marangal na mambabasa ay
malaman kung ano ang pinatutukuyan natin sa sinasabing
Sunnah? Ang Sunnah ay ang Hadith, at ang Hadith ay ang
mga salawikain, gawain at kalagayan ng Propeta ().
Nananalangin ako sa Allah na tanggapin nawa Niya
ang aklat na ito nang magandang pagtanggap, at gawin
Niyang maging kapaki-pakinabang at tigib ng biyaya;
katotohanang Siya ang Nakaririnig, ang Tumutugon (ng
panalangin).
Muli, aking inihahandog ang taus-puso kong
pagpapasalamat at pagpapahalaga sa kagalang-galang na
Shaikh na si Khalid ibn Ali Abal-khail – ang direktor ng
Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at
Pamamatnubay sa Rabwah sa lungsod ng Riyadh – sa
kanyang magagandang opinyon, na naghimok sa amin
upang magsumikap sa lahat ng mapapakinabangan sa
pag-aanyaya sa Allah nang buong katapatan, kaayusan at
kawastuhan.
Gayundin naman na aking inihahandog sa kagalang-
galang na Shaikh na si Nasser ibn Mohammad Al-Huwaish
– direktor ng seksyon ng Tanggapang Kooperatiba sa
Panawagan at Pamamatnubay sa Rabwah – ang taus sa
puso kong pagpapasalamat at pagkilala ng utang na loob
sa kanyang dakilang pagsisikap upang maitaguyod ang
paligsahan na ito sa ilalim ng pamamahala ng seksyon sa

Mga Piling Hadith
6
Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan at
Pamamatnubay sa Rabwah sa lungsod ng Riyadh sa
Kaharian ng Saudi Arabia.
Ako rin ay nagpapasalamat sa lahat ng nag-abot sa
akin ng kabutihan sa pamamagitan ng kanilang opinyon,
pagsisikap at kapaki-pakinabang na payo, lalung-lalo na sa
mga kapatid kong Da`iyah sa aming seksyon, at sa kapatid
na si Abdul Aziz Madh-`uf ; igawad nawa sa kanila ng Allah
ang gantimpala sa mundo at kabilang buhay dahil sa Islam
at mga Muslim, at itampok nawa ng Allah ang pagpapala
at kapayapaan sa Propeta nating si Muhammad, gayundin
sa kanyang mga pamilya, mga kasamahan at mga
tagasunod.
บริการ AI