PAGSUNOD SA IMAM (SA SALAH)

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 3

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

4- عَنِ الْبَرَاءِ بْنِ عَازِبٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ: كَانَ رَسُوْلُ اللَّهِ
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا قَالَ: "سَمِعَ اللَّهُ لِمَنْ حَمِدَهُ" لَمْ يَحْنِ أَحَدٌ مِنَّا
ظَهْرَهُ، حَتَّى يَقَعَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ سَاجِدًا، ثُمَّ نَقَعُ سُجُوْدًا
بَعْدَهُ.
(صحيح البخاري، رقم الحديث 690، واللفظ له، وصحيح مسلم،
رقم الحديث 198- (474)، ).

4- Si Al-Bara ibn Azib (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi:
[Kapag nagsabi ang Sugo ng Allah () ng: “Sami
allaahu liman hamidah (Nadinig ng Allah ang
sinumang nagpuri sa Kanya)”, walang ni isa man sa
amin ang nagbababa ng kanyang likuran o yumuyuko
hanggang hindi pa siya ganap na nakapatirapa, at
pagkatapos ay susunod kami sa kanya na
magpapatirapa”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (690)],
Muslim [Hadith bilang: 198-(474)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Al-Bara’ ibn `Azib ibn Al-Harith, siya ay isang
Sahabi na napakadalubhasa sa batas, siya si Abu

Mga Piling Hadith
17
`Ammarah Al-Ansari Al-Harithi, siya ay ipinanganak
sampung taon bago ang paglikas sa Madinah, at
nasasaad sa aklat ng mga Hadith na siya ay nakapag-
ulat ng (305) na Hadith.
Sa katunayan, si Al-Bara’ ibn `Azib ay isa sa mga
matatapat na tagasuporta ng Propeta (), siya ay
nakasama niya sa (18) na labanan, datapuwa’t sa
araw ng labanan sa Badr, siya ay naibibilang pa sa
lipon ng mga kabataan, kaya ang una niyang
nasalihan na labanan ay ang labanan sa Al-Khandaq,
at pagkaraan ng kamatayan ng Propeta (), siya ay
nakasali rin sa mga pagsakop sa bansang Persiya. Siya
ay nanuluyan sa Kufa at nagpatayo siya rito ng isang
tahanan at nanatili rito, siya ay binawian ng buhay sa
Kufa taong ika-72 sa Hijri, at may nagsasabing sa ika-
71 sa Hijri sa edad niyang halos humigit ng (80) taon.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hindi itinatagubilin sa isang Ma’mum (tagasunod)
na lumipat sa isang saligan ng Salah hanggang sa
hindi ganap na umabot dito ang Imam (namumuno sa

Mga Piling Hadith
18
Salah), kaya hindi siya marapat na magsimulang
bumaba o lumuhod para sa pagpapatirapa hanggang
hindi nailalapat ng Imam ang kanyang noo sa lupa o
sa sahig, at hindi rin marapat na magsimula ang
Ma’mum sa isang saligan hanggang sa hindi tumigil
ang boses ng Imam, at dahil dito nararapat sa kanya
na magpahuli ng kaunti sa Imam.
2. Isasagawa ng Ma’mum ang Takbiratul Ihram
(unang Takbir), kapag ganap nang naisagawa ito ng
Imam .
3. Hindi magsasagawa ng Taslim (pagtatapos sa
Salah) ang Ma’mum maliban kung ganap nang
nakapagsagawa ng Taslim ang Imam sa kanan at
kaliwa nito.
บริการ AI