ANG RIYA’ (PAGPAPAKITANG TAO) AT SUM`AH (PAGPAPARINIG)
6- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُماَ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ سَمََّعَ، سَمََّعَ اللَّهُ بِهِ، وَمَنْ رَاءَى، رَاءَى
اللَّهُ بِهِ".
Mga Piling Hadith
23
(صحيح مسلم، رقم الحديث 47 - (2986)، واللفظ له،
وصحيح البخاري، رقم الحديث 6499).
6- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang kaluguran
ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Sinabi ng Sugo ng
Allah (): “Ang sinumang magpaparinig ay paparinigan
din siya ng Allah, at ang sinumang magpapakita ay
papakitaan din siya ng Allah”]. Muslim [Hadith bilang: 47-
(2986)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (6499)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah), isang kilalang Sahabi (Kasamahan ng
Propeta), ang kanyang palayaw ay Abul Abbas, isa sa mga
pantas ng mga Sahabah, at isa sa mga matatalinong tao sa
sambayanang muslim, at isa rin sa mga pinuno ng
tagapagpaliwanag sa Banal na Qur'an (Tafseer). Siya ay
pinsang buo ng Sugo ng Allah (), at siya’y ipinanganak
tatlong taon bago ang paglikas sa Madinah sa isang lugar
na tinatawag na Shi`b bago lisanin ito ng angkan ni
Hashim, at pagkatapos ay namalagi siya sa Propeta (),
kaya't marami siyang natutunan na kaalaman mula sa
Propeta (). Ang kanyang naiulat ay umabot ng (1,660) na
Hadith, at siya'y (13) taong gulang pa lamang nang
binawian ng buhay ang Sugo ng Allah (). Hinirang siya ni
Ali ibn Abu Thalib bilang pinuno ng Basra (sa Iraq), at siya
Mga Piling Hadith
24
ay namatay sa Taif taong ika-68 sa Hijri, sa edad na (70)
taong gulang, datapuwa’t may nagsasabing (71) o (74)
taong gulang.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Riya’ o ang pagpapakitang-tao ay ang paggawa ng
isang tao ng isang gawain na hindi niya nilalayon dito ang
Mukha (o ang kasiyahan) ng Allah, bagkus ang kanyang
layon ay upang siya ay makita lamang ng tao, kaya siya ay
pupurihin ng mga ito sa kabutihan, at ang Sum`ah naman
ay ang pagtatago niya sa kanyang gawain para sa Allah, at
pagkatapos ay pag-uusapan siya ng mga tao upang siya ay
kanilang parangalan at dakilain.
2. Hatid ng Hadith na ito sa kabuuan nito ang isang babala
laban sa Riya’ at Sum`ah, kaya marapat lamang sa isang
Muslim ang maging masigasig sa katapatan ng gawain
para sa Allah, at huwag niyang hangarin ang papuri sa
kanya ng mga tao.
3. Ang Riya’ at ang Sum`ah ay kabilang sa mga
kadahilanan ng pagkasira ng gawain sa Allah, at ang
pinakamasama sa mga uri ng Riya’ ay ang nakaugnay sa
saligan ng Pananampalataya, gaya ng kalagayan ng mga
Munafiq (o taong mapagkunwari), at pagkatapos ay
susunod dito ang ibang hanay ng Riya’ na kaugnay sa mga
Mga Piling Hadith
25
saligan mula sa mga isinatungkulin na pagsamba, gaya ng
isang nakaugaliang iniiwan ang pagsasagawa nito kapag
nag-iisa, nguni’t kapag nasa harapan ng mga tao, ito ay
isinasagawa dahilan sa pagkatakot