KAGANDAHANG ASAL SA PAG-INOM

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

9- عَنْ أَبِيْ هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ صَلَّى اللهُ
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "إِذَا شَرِبَ أَحَدُكُمْ فَلاَ يَتَنَفَّسْ فِي الْإِنَاءِ؛ فَإِذَا أَرَادَ أَنْ
يَعُوْدَ؛ فَلْيُنَحِّ الْإِنَاءَ، ثُمَّ لِيَعُدْ إِنْ كَانَ يُرِيدُ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 3427، وصححه الألباني).
9- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah ()
ay nagsabi: “Kapag umiinom ang isa sa inyo ay huwag
huminga sa sisidlan, at kapag nais niyang umulit, ilayo
niya ang sisidlan nang kaunti, at pagkatapos ay uulitin niya
ito kung nais naman niya”]. Ibnu Majah [Hadith bilang:
(3427)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith:
Ang Mga kapakinabangan sa Hadith na ito:

Mga Piling Hadith
31
1. Ang Hadith na ito ay pinagtutugma sa Hadith na
nagsasaad na ang Sugo ng Allah () ay humihinga sa
sisidlan ng tatlong beses. Sa panlabas ng dalawang Hadith
na ito ay para bang magkasalungat ang mga ito, sapagka’t
ang una ay tuwirang nagbabawal sa paghinga sa sisidlan,
samantalang ang pangalawa naman ay nagpapatotoo sa
paghinga sa sisidlan sa panlabas nito, kaya ang unang
Hadith ay itinuturing na ito ay nagbabawal sa paghinga sa
loob ng sisidlan habang umiinom sa sisidlan, kung gayon
ang panlabas nito ay pagbabawal, kaya ang paghinga sa
loob ng sisidlan habang umiinom ay bawal at hindi
lehitimo, samantalang ang kahulugan naman ng
pangalawang Hadith ay nagpapatotoo na ang Sugo ng
Allah () ay humihinga sa labas ng sisidlan habang
umiinom, at ito nga ang siyang itinatagubilin at lehitimo,
kaya walang pagkakasalungatan sa pagitan ng dalawang
ito.
2. Nasasaad sa Hadith na ito ang pagbabawal sa paghinga
sa sisidlan na iniinuman ng umiinom, maging ito man ay
mag-isang uminom sa sisidlan o may kasamang iba,
bagkus ito ay kabilang sa mga mararangal na kaugalian na
ipinanghihikayat ng Islam upang mapangalagaan ang
kalinisan at pangkalahatang matatayog na kaasalan sa
pag-inom, sapagka’t ang paghinga sa sisidlan habang
umiinom ay maaaring maging dahilan sa paglabas ng

Mga Piling Hadith
32
laway o dura at maaari ring mag-iiwan ito ng masamang
amoy.