MGA IPINAGBABAWAL NG ISLAM

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

10- عَنْ أَبيْ جُحَيْفَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، أَنَّهُ اشْتَرَى غُلاَمًا حَجَّامًا؛
فَقَالَ: "إِنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَهَى عَنْ ثَمَنِ الدَّمِ، وَثَمَنِ
الْكَلْبِ، وَكَسْبِ الْبَغِيِّ، وَلَعَنَ آكِلَ الرِّبَا وَمُوكِلَهُ، وَالْوَاشِمَةَ
وَالْمُسْتَوْشِمَةَ وَالْمُصَوِّرَ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 5962).
10- Si Abu Juhaifah (Sumakanya nawa ang kaluguran
ng Allah) ay nag-ulat: [Siya daw diumano ay bumili ng
isang batang lalaki na gumagawa ng cupping therapy
(nagkukuha ng dugo). Kanyang sinabi: Katotohanang
ipinagbawal ng Propeta () ang halaga ng dugo, ang
halaga ng aso, ang mga kita ng isang puta, at kanyang
isinumpa ang kumakain ng Riba (pinapatubo) at ang
pinagkakatiwalaan nito, gayundin ang nagtatato ng

Mga Piling Hadith
33
iba at ang nagpapatato, at ang gumuguhit ng
larawan]. Al-Bukhari: [Hadith bilang: (5962)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Juhaifah (Sumakanya nawa ang kaluguran
ng Allah), isang kilalang Sahabi at ang tunay niyang
pangalan ay Wahb ibn Abdullah As-Suwaie Al-Kufi,
ang tawag sa kanya ay: Wahb Al-Khayr, siya ay hindi
pa nasa wastong edad nang mamatay ang Propeta
(), siya ay may nailathala mula sa Sugo ng Allah na
(45) Hadith sa mga aklat ng Sunnah, at siya ay
nanuluyan sa Kufa at dito na rin siya binawian ng
buhay taong ika-74 sa Hijri, datapuwa’t may
nagsasabi na taliwas dito, ang Allah ang higit na
nakakaalam.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kinakailangang lagi nang isinasaalang-alang ng
isang Muslim ang Allah sa kanyang mga inililihim at
inilalantad, maging masigasig sa mga katuruan ng

Mga Piling Hadith
34
Islam at umiwas sa mga ipinagbabawal, sapagka’t ito
ay kabilang sa mga tanda sa pagtamo ng kaligayahan
sa mundo at sa kabilang buhay.
2. Sa katunayan, ang Islam ay masigasig sa pagbukas
ng mga pintuan upang malayang tumahak ang mga
tao sa pagtamo ng marangal at malinis na
hanapbuhay sa kanilang mga kalakalan at iba pang
mga lehitimong pamamaraan, gaya ng pagtatanim at
industriya, at ipinagbawal ang anumang hanapbuhay
na kumikita sa paraang ipinagbabawal, gaya ng
halaga ng dugo, halaga ng aso, gayundin ang kinikita
ng puta o mula sa pangangalunya, Riba
(pagpapatubo) at iba pa.
3. Napapaloob sa Hadith na ito ang isang matibay at
maliwanag na katibayan na nagpapatotoo sa
kabawalan ng pagtatato sa katawan at gayundin ang
pagguguhit ng larawan sa lahat ng may buhay.