11- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللهِ
صَلَّى اللَّه عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "مَنْ دُعِيَ إِلَى عُرْسٍ أَوْ نَحْوِهِ فَلْيُجِبْ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 101 - (1429)، ).
11- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang
Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang
inanyahan sa isang kasal o katulad nito, sa gayon ay
marapat niyang tugunan ito”]. Muslim [Hadith bilang:
101-(1429)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Umar ibn Al-Khattab, isang
dakilang Sahabi (kasamahan ng Propeta), yumakap
siya sa Islam kasama ng kanyang ama sa kanyang
Mga Piling Hadith
36
murang edad at pagkatapos ay lumikas siya
patungong Madinah bago ang kanyang ama. Ang
unang digmaan na kanyang nasalihan ay ang labanan
sa Al-Khandaq, at pagkaraan ay nasalihan niya ang
lahat ng labanan kasama ng Sugo ng Allah ().
Mayroon din siyang bahagi sa mga malalaking
tagumpay o pagsakop ng Islam sa Ehipto, Sirya, Iraq,
Basra at Persia, siya ay isang magiting at matapang,
at siya ay kabilang sa mga pantas ng mga Sahabah
(kasamahan ng Propeta ), ang kanyang naiulat ay
umabot ng (2,630) na Hadith. Siya ay naging isang
magandang halimbawa sa pagsamba at kabanalan, at
siya ay binawian ng buhay sa Makkah taong ika-73 sa
Hijri sa edad niyang (86) na taon.
Mga Piling Hadith
37
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinatagubilin ng Hadith na ito na ang pagtugon sa
isang paanyaya para sa kasal ay isang katungkulan sa
sinumang inanyahan dito, sa kadahilanang nagsasaad
ito ng isang pahayag tungkol sa pagpapahalaga sa
taong mag-aasawa, sa pamamagitan ng pagdulot ng
kaligayahan sa kanyang puso at ng kabutihan sa
kanyang sarili dahil sa pagtugon sa kanyang
paanyaya.
2. Ang Islam ay isang relihiyon ng kagandahang ugali
at kadalisayan ng mga puso, sa gayon ay upang wala
ng matira na samaan ng loob sa pagitan ng miyembro
ng isang pamilya at komunidad, dahilan dito,
nararapat sa isang Muslim na tugunan ang paanyaya
ng kanyang kapatid sa sandaling nagpadala sa kanya
ito ng paanyaya, at kung ito ay hindi rin naman
naglalaman ng anumang tiwali o taliwas sa mga
katuruan ng Islam.
3. Hindi nararapat sa isang Muslim na mamintas ng
anumang pagkain kapag siya ay dumalo sa isang
Mga Piling Hadith
38
handaan o paanyaya, bagkus kapag ito’y kanyang
nagustuhan, kumain siya nito at kung hindi naman
niya nagustuhan ay kanyang iwanan na lamang ito.