KABUTIHAN NG SALAH SA ISHA’ AT FAJR
12- عَنْ عُثمَانَ بنِ عَفَّانَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: سَمِعتُ رَسُوْلَ اللهِ
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُوْلُ: "مَنْ صَلَّى العِشَاءَ فِيْ جَمَاعَةٍ؛ فَكَأنَّمَا
قَامَ نِصْفَ اللَّيْلِ، وَمَنْ صَلَّى الصُّبْحَ فِيْ جَمَاعَةٍ؛ فَكَأنَّمَا صَلَّى اللَّيْلَ
كُلَّهُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 260 - (656)، ).
12- Si Uthman ibn `Affan (Sumakanya nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi:
[Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi:
“Ang sinumang nagsagawa ng Salah sa Isha’ sa sama-
samang pagdarasal ay para niyang itinaguyod ang
kalahating gabi sa pagdarasal, at sinumang
nagsagawa ng Salah sa Fajr sa sama-samang
pagdarasal ay para niyang itinaguyod ang Salah sa
buong magdamag”]. Muslim [Hadith bilang: 260-
(656)].
Mga Piling Hadith
39
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uthman ibn Affan ibn Abul-As Al-Qurashi, na
ipinanganak sa lungsod ng Makkah matapos
makalipas ng anim na taon mula sa tinaguriang taon
ng elepante, at siya ay yumakap sa Islam ng di
kalaunan pagkatapos na mahirang ang Propeta ()
bilang Sugo, siya ay isa sa mga tinaguriang Ameerul
Mu’mineen (pinuno ng mga mananampalataya) at
ikatlo sa mga napatnubayang Khalifah (tagahalili) ng
Propeta ().
Siya ang pinakaunang lumikas sa Etyopya kasama ang
kanyang asawa na si Ruqayah, anak na babae ng
Propeta (), sa katunayan siya ay masugid na
sumusuporta sa Islam sa pamamagitan ng kanyang
sarili at kayamanan, at siya ay naghanda ng
sandatahang hukbo sa panahon ng kagipitan ng (950)
kamelyo at (50) kabayo, at binili rin niya ang balon na
tinaguriang Ruma sa halagang (20) libo at kanyang
ipinamahagi ito bilang kawanggawa, at kanya ring
pinalawak ang Masjid ng Propeta () sa halagang (25)
libo, at siya ay hinalal sa pagkapinuno bilang kapalit
ni Umar ibn Al-Khattab taong ika-23 sa Hijri, natapos
din niya ang pagtipon sa Qur’an, at marami pa siyang
Mga Piling Hadith
40
nasakop na mga lugar sa ngalan ng Islam sa panahon
ng kanyang pamumuno sa Asya at Aprika, at siya ay
nakapag-ulat ng (146) na Hadith.
Siya ay napatay bilang isang martir sa loob ng
kanyang tahanan sa Madinah sa kamay ng mga
pinakamakasalanang salarin taong ika-35 sa Hijri, sa
edad niyang (80) taon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinag-uutos ng Islam na maging masigasig sa
pagsasagawa ng Salah sa Isha’ at Fajr sa sama-
samang pagdarasal, at gayundin sa iba pang mga
ubligadong Salah.
2. Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa
kabutihan ng pagsasagawa ng Salah sa Isha’ at Fajr sa
sama-samang pagdarasal, na ito’y tumutumbas sa
pagtaguyod ng isang tao sa buong magdamag na
pagdarasal, kaya ang sinumang nagtaguyod sa isa sa
dalawang ito sa sama-samang pagdarasal ay para
niyang naitaguyod ang kalahating gabi.