KABUTIHAN NG PAGDARASAL SA MASJID QUBA’

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 5

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

17- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: كَانَ رَسُوْلُ اللهِ
صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَأْتِي مَسْجِدَ قُبَاءٍ رَاكِبًا وَمَاشِيًا؛ فَيُصَلِّيْ فِيْهِ
رَكْعَتَيْنِ.
(صحيح مسلم، رقم الحديث 516- (1399)، واللفظ له وصحيح
البخاري، رقم الحديث 1194).
17- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi:
[Nakaugalian ng Sugo ng Allah () na siya ay
pumupunta sa Masjid Quba’ nang nakasakay at
naglalakad, at nagsasagawa siya dito ng Salah na
dalawang Rak`ah]. Muslim [Hadith bilang: 516-
(1399)], Al-Bukhari: [Hadith bilang: (1194)].

Mga Piling Hadith
52
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-11 na
Hadith:

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng
pagbisita o pagdalaw sa Masjid Quba’, at ang
pagpunta dito nang nakasakay o naglalakad,
sapagka’t ang Propeta () ay lagi nang pumupunta
dito sa tuwing araw ng Sabado ayon sa nasasaad sa
aklat ni Muslim [Hadith bilang: 520-(1399)].
2. Sadyang napakaraming Hadith ang nagpaliwanag
tungkol sa kabutihan ng pagdarasal sa Masjid Quba’,
ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Hadith-1: Sinabi ng Propeta (): “Ang pagsasagawa
ng Salah sa Masjid Quba’ ay katumbas ng isang
Umrah”. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (324)], Ibnu
Majah [Hadith bilang: (1411)].

Mga Piling Hadith
53
Hadith-2: Sinabi ng Sugo ng Allah (): “Ang sinumang
naglinis ng kanyang tahanan, at pagkatapos ay
pumunta sa Masjid Quba’ at nagsagawa siya dito ng
isang Salah, sasakanya ang gantimpala na katumbas
ng isang Umrah”. Ibnu Majah [Hadith bilang: (1412)],
An-Nasai [Hadith bilang: (699)].