PAGMAMAHAL SA ALLAH IPINAG-UUTOS

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

19- عَنْ مِقْدَامِ بْنِ مَعْدِيْكَرِبَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،عَنِ النَّبيِّ صَلَّى اللَّهُ
عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِذَا أحَبَّ الرَّجُلُ أَخَاهُ فَلْيُخْبِرْهُ أنَّهُ يُحِبُّهُ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 5124، واللفظ له، وجامع
الترمذي، رقم الحديث 2391، قال الإمام الترمذي عن هذا
الحديث بأنه: حسن صحيح غريب، وصححه الألباني).
19- Si Miqdam ibn Ma`dikarib (Sumakanya nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta ()
ay nagsabi: “Kapag minahal ng isang lalaki ang
kanyang kapatid, sa gayon ay marapat niyang
ipabatid sa kanya na minamahal niya ito”]. Abu Daud
[Hadith bilang: (5124)], At-Tirmidhi [Hadith bilang:
(2391)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Karimah, Al-Miqdam ibn Ma`dikarib ibn
Amr Al-Kanadi, isang dakilang Sahabi, siya ay
nanirahan sa lungsod ng Hims, at siya ay kabilang sa

Mga Piling Hadith
56
lipon ng delegasyon na dumating sa Sugo ng Allah
().
Siya ay nakibaka sa mga islamikong labanan sa
pagsakop sa Sham at Iraq, at nakibaka rin siya sa
labanan sa Yarmuk at Qadisiya, at kailanman ay hindi
siya lumiban sa digmaan kasama ng mga Muslim
laban sa mga hindi Muslim, at siya ay nakapag-ulat ng
(42) na Hadith na matutunghayan sa mga aklat ng
Sunnah.
Siya ay itinuturing na isa sa mga mamamayan ng
Sham at dito na rin siya binawian ng buhay taong ika-
87 sa Hijri sa edad niyang (91) taon.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay nag-aanyaya sa pagmamahal sa Allah,
at ito ang bugso ng damdamin na nadarama ng
sinumang nasa kanya ang mga kadahilanan ng
pagmamahal na yaon, at ang ilan sa mga kadahilanan
ng pagmamahal sa Allah ay ang pagsunod sa Kanya,
pagpapatupad ng Kanyang mga ipinag-uutos at pag-
iwas sa Kanyang mga ipinagbabawal at ang
paghahangad sa Kanyang kaluguran.
2. Ang Islam ay nag-uutos sa paghahayag ng
pagmamahal sa Allah, kaya kapag nagmahal ang isang

Mga Piling Hadith
57
tao sa iba, sa gayon ay mainam sa kanya na sabihin
niyang minamahal niya ito upang mahumaling at
mapamahal ang kalooban nito sa kanya.
3. Ang sinumang nagmahal sa isang tao para sa mga
makamundong layunin lamang, sa gayon ay marapat
sa kanya na kumalas sa makamundong layunin na ito,
at maging tapat siya sa pagmamahal niya sa Allah
upang makamit niya ang antas ng mga taong
mapagmahal sa Allah, na kung saan kapag siya ay
naging makatotohanan sa pagmamahal na iyan, siya
ay mapapabilang sa pitong tao na pasisilungin ng
Allah sa Kanyang lilim sa Araw na wala ng ibang lilim
na masisilungan
บริการ AI