KAWALAN NG GINAGAWA AT KALUSUGAN

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

20- عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ
صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "نِعْمَتَانِ مَغْبُوْنٌ فِيْهِمَا كَثِيْرٌ مِنَ النَّاسِ:
الصِّحَّةُ وَالْفَرَاغُ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 6412).
20- Si Abdullah ibn Abbas (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang
Propeta () ay nagsabi: “May dalawang biyaya na
sadyang nakakaligtaan ng karamihan sa mga tao: Ang
kalusugan at ang kawalan ng ginagawa”]. Al-Bukhari
[Hadith bilang: (6412)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-6 na
Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nakabubuti sa isang Muslim na samantalahin ang
biyaya ng kawalang ginagawa at kalusugan para sa
kabutihan, gayundin ang malinis at marangal na
hanapbuhay ayon sa wastong mga katuruan ng Islam.
2. Marapat sa isang Muslim na maging masigasig sa
pagpapasalamat sa Allah sa mga biyayang

Mga Piling Hadith
59
ipinagkaloob sa kanya, gaya ng biyayang kawalan ng
ginagawa at kalusugan, at ang ilan sa paraan ng
pagpapasalamat sa Allah ay ang pagpapatupad ng
Kanyang mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa
Kanyang mga ipinagbabawal, kaya sinuman ang
nagpabaya nito, samakatuwid siya ay nakakaligta.
3. Ang nakakaligta ay yaong bigo, talunan at
nalinlang, kaya ang sinumang biniyayaan ng Allah ng
kalusugan at kawalan ng ginagawa, at pagkatapos ay
pinabayaan lamang niya ito at hindi pinakinabangan,
bagkus hindi siya nagpasalamat para dito,
katotohanan siya ay bigo, talunan at nalinlang.
บริการ AI