MAGULANG MAARING KUMUHA SA YAMAN NG ANAK

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 7

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

22- عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، أَنَّ رَجُلاً قَالَ: ياَ
رَسُوْلَ اللهِ! إن لِيْ مَالاً وَوَلَداً، وَإِنَّ أَبِيْ يُرِيْدُ أَنْ يَجْتَاحَ مَالِي؛
فَقَالَ: "أَنْتَ وَمَالُكَ لِأَبِيْكَ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 2291، وصححه الألباني).
22- Si Jabir ibn Abdullah (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang isang lalaki
ay nagsabi: O Sugo ng Allah! Katotohanang ako ay
may kayamanan at anak, subali’t ang aking ama ay
nakikialam sa aking kayaman. Siya () ay nagsabi:
“Ikaw at ang kayamanan mo ay pagmamay-ari ng
iyong ama”]. Ibnu Maja [Hadith bilang: (2291)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Jabir ibn Abdullah Al-Ansari, isang dakilang
Sahabi na nanumpa ng katapatan sa Propeta () sa
gabi ng (pagpupulong sa) Aqabah kasama ang
kanyang ama, at isa rin siya sa nanumpa ng katapatan
sa Propeta () sa tinaguriang Bai`ah Ar-Ridwan. Siya
ay isa sa mga kinabibilangang may maraming naiulat
na Hadith at umabot ang kanyang naiulat ng (1540)
na Hadith, siya ay binawian ng buhay noong ika-73 sa
Hijri, datapuwa't may nagsasabi na taliwas dito.

Mga Piling Hadith
65
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ang pagkain ng magulang sa
kayamanan ng kanyang anak ay napapaloob sa
malinis niyang kita, nguni’t hindi ito maituturing na
magiging pagmamay-ari na ng magulang ang
kayamanan ng kanyang anak, sapagka’t ang
kayamanan ng anak ay mananatiling pagmamay-ari
pa rin niya ito, sapagka’t ang kawanggawa nito ay
siya pa rin ang may pananagutan nito at sa kanya rin
mamanahin ito. Samakatuwid nasasaklawan ng
Hadith na ito ang anumang mga isinatungkulin na
mga karapatan sa panig ng mga anak para sa kanilang
mga ama at ina gaya ng panustos at anumang
pangangailangan nila sa mga sandali ng kanilang
kahinaan.
2. Hindi nararapat sa isang ama na kumuha sa
kayamanan ng kanyang anak kapag kinakailangan ito
ng kanyang anak, o ang pagkuha niya rito ay
makakapinsala sa anak, gayudin na hindi nararapat sa
ama na kumuha sa kayamanan ng kanyang anak para
ibigay ito sa iba niyang anak ng walang katanggap-

Mga Piling Hadith
66
tanggap na dahilan, sapagka’t sinabi ng Allah: {At sa
dalawa niyang magulang, sasakanila sa bawa’t isa ang
ikaanim na bahagi sa mga naiwan niyang (pamana)
kung siya ay may naiwan na anak, sapagka’t kung
wala siyang (naiwan na) anak, at ang magmamana
lamang ay ang dalawa niyang magulang, sasakanyang
ina ang ikatlong bahagi}. An-Nisa (4): 11.
Samakatuwid, itinuturo ng Talata na ito na ang anak
ang siyang nagmamay-ari pa rin ng kanyang
kayamanan at hindi ang kanyang ama, at walang
mapapasa ama maliban sa kung ano ang naitakdang
bahagi para sa kanya sa pamana batay sa talatang ito.
Kaya ang kahulugan ng Hadith na ito: Kung ang ama
ay mangangailangan sa kayamanan ng kanyang anak,
siya ay kukuha rito ayon sa sukat o halaga ng kanyang
pangangailangan lamang ng hindi makakapinsala sa
kanyang anak.
3. Ang letrang (L) sa Hadith na ito mula sa salitang (Li
Abeek) ay hindi para sa tuwirang pagmamay-ari,
bagkus ito ay pagpapahintulot lamang na maaaring

Mga Piling Hadith
67
makinabang sa mga sandali ng pangangailangan kung
hindi rin lamang makakapinsala ito sa anak at hindi
niya kinakailangan. Kung gayon ang ilan sa mga
patunay na ito ay hindi para sa tuwirang pagmamay-
ari ng ama, sa katunayan nga ang kanyang mga
sariling anak, ang kanyang asawa at ina ay
magmamana rin sa anak, ngayon kung ang kanyang
kayamanan ay tunay ngang pagmamay-ari ng
kanyang ama, sa gayon walang ibang makakakuha ng
kayamanan niya maliban sa ama lamang.
บริการ AI