PAGKAIN AT PAG-INOM NANG NAKATAYO

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 6

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

24- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: كُنَّا نَأْكُلُ عَلَى
عَهْدِ رَسُوْلِ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَنَحْنُ نَمْشِي، وَنَشْرَبُ وَنَحْنُ
قِيَامٌ.

Mga Piling Hadith
69
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1880، واللفظ له، وسنن ابن
ماجه، رقم الحديث 3301، وقال الإمام الترمذي عن هذا
الحديث بأنه: حسن صحيح غريب، وصححه الألباني).
24- Si Abdullah ibn Umar (Sumakanila nawa ang
kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Kami
noon sa panahon ng Sugo ng Allah () ay kumakain
habang naglalakad, at kami ay umiinom nang
nakatayo]. At-Tirmidhi [Hadith bilang: (1880)], Ibnu
Maja [Hadith bilang: (3301)].
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa ika-11 na Hadith:

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Pinatutunayan ng Hadith na ito na ang pag-inom at
ang pagkain nang nakatayo ay ipinahihintulot,
sapagka’t ito’y napatunayan mismo sa Propeta ():
[Na siya ay umiinom nang nakatayo at nakaupo]. At-
Tirmidhi [Hadith bilang: (1883)].
2. Marahil na ang pagbabawal sa pag-inom nang
nakatayo ay natatangi lamang sa sinumang
nagbibigay ng tubig at nagpapainom sa mga tao,

Mga Piling Hadith
70
sapagka’t hindi nararapat sa kanya na uminom nang
nakatayo habang siya ay abala sa pagpapainom, sa
kadahilanang tungkulin niyang tapusin muna ang
pagbibigay ng tubig at pagpapainom sa mga tao, at
pagkatapos ay saka pa lang siya iinom, sapagka’t
nasasaad din sa Hadith na ang Propeta () ay
nagsabi: “Ang nagpapainom sa mga tao ang siyang
pinakahuling iinom”. At-Tirmidhi [Hadith bilang:
(1894)], Muslim [Hadith bilang: 311-(681)].