Ang Ḥanīfīyah na kapaniwalaan ni Abraham ay ang pagsamba kay Allāh – tanging sa Kanya.

img

Marqoom

หมวดหมู่ :

ภาษา : Filipino

การดู : 2

เพิ่มไปยังรายการโปรด : 0

Alamin mo, gabayan ka ni Allāh sa pagtalima sa Kanya, na ang Ḥanīfīyah na kapaniwalaan ni Abraham ay na sumamba ka kay Allāh – tanging sa Kanya – habang nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Gayon nag-utos si Allāh sa lahat ng mga tao at lumikha Siya sa kanila para roon gaya ng sinabi Niya (napakataas Siya): 
{وَمَا خَلَقْتُ ٱلْجِنَّ وَٱلْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ ٥٦}
{Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin.}Ang kahulugan ng "sumamba sila sa Akin" ay maniwala sila sa kaisahan Ko.
Ang pinakasukdulan na ipinag-utos ni Allāh ay ang Tawḥīd. Ito ay ang pagbubukod-tangi kay Allāh sa pagsamba.
Ang pinakasukdulan na sinaway ni Allāh ay ang Shirk. Ito ay ang pagdalangin sa iba pa sa Kanya kasama sa Kanya. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
{وَٱعْبُدُوا۟ٱللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا۟ بِهِۦ شَيْـًۭٔا ۖ وَبِٱلْوَٰلِدَيْنِ إِحْسَـٰنًۭا وَبِذِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْيَتَـٰمَىٰ وَٱلْمَسَـٰكِينِ وَٱلْجَارِ ذِى ٱلْقُرْبَىٰ وَٱلْجَارِٱلْجُنُبِ وَٱلصَّاحِبِ بِٱلْجَنۢبِ وَٱبْنِٱلسَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَـٰنُكُمْ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُحِبُّ مَن كَانَ مُخْتَالًۭا فَخُورًا ٣٦}
{Sumamba kayo Allāh at huwag kayong magtambal sa Kanya ng anuman.}
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Ano ang tatlong batayan na kinakailangan sa tao ang pagkaalam sa mga ito?"
Sabihin mo: "Ang pagkaalam ng tao sa Panginoon niya, relihiyon niya, at Propeta niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Sino ang Panginoon mo?"
Sabihin mo: "Ang Panginoon ko ay si Allāh na nag-alaga sa akin at nag-alaga sa lahat ng mga nilalang sa pamamagitan ng mga biyaya Niya. Siya ay ang sinasamba ko; walang sinasamba para sa akin na iba sa Kanya." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ٢}
 {Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang,}Ang bawat anumang iba kay Allāh ay isang nilalang at ako ay isa sa mga nilalang na iyon.
Kaya kapag sinabi sa iyo: "Sa pamamagitan ng ano nakakilala ka sa Panginoon mo?"
Sabihin mo: "Sa pamamagitan ng mga tanda Niya at mga nilikha Niya. Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi, ang maghapon, ang araw, at ang buwan. Kabilang sa mga nilikha Niya ang pitong langit, ang pitong lupa, at ang sinumang nasa mga ito at ang anumang nasa pagitan ng mga ito." Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَمِنْ ءَايَـٰتِهِ ٱلَّيْلُ وَٱلنَّهَارُ وَٱلشَّمْسُ وَٱلْقَمَرُ ۚ لَا تَسْجُدُوا۟ لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَٱسْجُدُوا۟ لِلَّهِ ٱلَّذِى خَلَقَهُنَّ إِن كُنتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ٣٧}
 {Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha ng mga ito, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.}(Qur'ān 41:37)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): 
{إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ فِى سِتَّةِ أَيَّامٍۢ ثُمَّ ٱسْتَوَىٰ عَلَى ٱلْعَرْشِ يُغْشِى ٱلَّيْلَٱلنَّهَارَ يَطْلُبُهُۥ حَثِيثًۭا وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ وَٱلنُّجُومَ مُسَخَّرَٰتٍۭ بِأَمْرِهِۦٓ ۗ أَلَا لَهُ ٱلْخَلْقُ وَٱلْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ ٱللَّهُ رَبُّ ٱلْعَـٰلَمِينَ ٥٤}
{Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw, pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon na humahabol doon nang maliksi. [Lumikha Siya] ng araw, buwan, at mga bituin bilang mga pinagsisilbi ayon sa utos Niya. Pansinin, sa Kanya ang paglikha at ang pag-uutos. Napakamapagpala si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.}(Qur'ān 7:54)
Ang Panginoon ay ang sinasamba. Ang patunay ay ang sabi Niya (napakataas Siya): 
{يَـٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُٱعْبُدُوا۟ رَبَّكُمُ ٱلَّذِى خَلَقَكُمْ وَٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ ٢١}
{21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala, 21. O mga tao, sumamba kayo sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo at sa bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala,}(Qur'ān 2:21-22)
Nagsabi si Ibnu Kathīr, kaawaan siya ni Allāh (napakataas Siya): "Ang Tagalikha ng mga bagay na ito ay ang karapat-dapat para sa pagsamba."

บริการ AI